Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Disyembre 2024)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito.Binigay na dahilan:Kailangang ayusin ang pagkakasulat at balarila. Kailangan din tanggalin ang mga link sa Wikipediang Ingles tulad ng Hermenegildo Atienza bukod sa iba pa. Kailangan din isalin ang mga banyaga salita tulad ng degree bukod sa iba pa.
Gumagamit ang pangalang ito ng nakaugaling pagpapangalang Pilipino; ang gitnang pangalan o apelyido ng ina ay Gomez at ang apelyido ng ama ay Nolasco.
Si Juan Gomez Nolasco (Marso 8, 1885 – Setyembre 18, 1960) ay isang Pilipinong doktor at politiko na nagsilbi bilang ika-9 Alkalde ng Maynila mula Agosto hanggang Disyembre 1941 — at muli noong 1945 hanggang 1946, nagsilbi rin siya bilang Senador ng Pilipinas mula sa ika-4 na Distrito mula 1931 hanggang 1935.[1]
Kabataan at pamumuhay
Ipinanganak si Nolasco noong Marso 8, 1885, sa Tondo, Maynila, kina Ceferino Nolasco at Severa Gomez. Natanggap niya ang kanyang Bachelor of Arts degree mula sa Pamantasang Ateneo de Manila at ang kanyang Licentiate sa Medisina at Operasyon mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtrabaho siya bilang isang consulting physician ng Mary Johnston Hospital[2] bago pumasok sa larangan ng pulitika.[3]