Si Joseph Anton Koch (27 Hulyo 1768 - 12 Enero 1839) ay isang pintor na taga-Austria. Namuhay siya sa Roma, kung saan ipinakita niya ang kagalingan sa pagpipinta ng mga tanawing naglalarawan ng kalikasan at mga tauhan mula sa Bibliya. Batay sa mga tanawin sa Alemanya noong kapanahunan niya ang kaniyang mga akdang may impluho ng KlasisismongPranses at ng umuusbong na Romantisismo.[1]
Talambuhay
Isinilang si Koch sa Elbigenalp. Isa siyang dibuhistang kabilang sa kilusan ng mga Romantikong Aleman. Nilisan ng Tiroles na ito ang Karlsschule Stuttgart, isang mahigpit na sanayang pang-akademiko ng militar para makapagbiyahe sa Pransiya at Switzerland. Narating niya ang Roma noong 1795. Malapit na kaibigan ni Koch ang pintor na si Asmus Jacob Carstens. Ipinagpatuloy niya ang sining na "makabayani" ni Carstens, sa literal na mga gawi noong una, ngunit makaraan ang 1800 umunlad ang kaniyang talento bilang isang pintor ng mga tanawin. Sa Roma, lumikha siya ng bagong tipo ng mga makabayaning mga tanawin, habang gumagawa ng mga pagbabago sa mga estilong klasikal na pang-komposisyon nina Poussin at Lorrain na may mas magaspang na tanawing may mga bundok. Nilisan niya ang Roma noong 1812 para humintil sa Vienna hanggang 1815 bilang pagpoprotesta sa pananakop ng Pransiya. Noong mga panahong ito, pinalooban niya ng mas maraming mga temang hindi-klasiko ang kaniyang mga gawa. Sa Vienna, naimpluwensiyahan siya ni Friedrich Schlegel at ng iba pang tagapagtangkilik ng mga sining ng sinaunang Alemanya. Bilang tugon, naging mas "garalgal" ang kaniyang estilo, isang bagong gawi na nakaimpluho ng malawakan sa mga Alemang pintor na pumapasyal sa Roma. Sumakabilang buhay si Koch habang nasa Roma.[2]
Mga gawa
Landscape with Noah (Tanawing kasama si Noe), ca. 1803 - oil on canvas [86 × 116 cm] (pampintang may langis sa ibabaw ng kanbas)
Landscape with Ruth and Boaz (Tanawing kasama si Ruth at Boaz), ca. 1823/25 - oil on canvas (pampintang may langis sa ibabaw ng kanbas)