Jonas Salk

Jonas Salk
Kapanganakan28 Oktubre 1914
  • (New York, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan23 Hunyo 1995
LibinganLos Angeles
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposUnibersidad ng Michigan
City College of New York
New York University
New York University School of Medicine
Trabahomanggagamot, biyologo, epidemyologo‎, imbentor, virologist, inmunologo
AnakPeter L. Salk, Darrell Salk, Jonathan Salk
Pirma
Lagda ni Jonas Salk.

Si Jonas Edward Salk (28 Oktubre 1914 – 23 Hunyo 1995) ay isang Amerikanong mananaliksik na pangmedisina at birologo (birolohista), na pinakakilala dahil sa kaniyang pagkakatuklas at pagkakapaunlad ng unang matagumpay na bakuna laban sa polyo sa Pittsburgh, Pennsylvania.

Si Salk ay ipinanganak sa Lungsod ng New York, New York noong 1914 sa isang mag-anak na Hudyong Irlandes. Nag-aral siya sa City College of New York at sa Pamantasan ng New York. Kasal si Salk kay Donna Lindsey mula 1939 hanggang sa magdiborsiyo sila noong 1968. Nagkaroon siya ng tatlong mga anak kay Lindsey. Pagkaraan ay naging kasal siya kay Françoise Gilot mula 1970 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1995. Namatay si Salk habang nasa kaniyang tahanan sa La Jolla, California dahil sa pagpalya ng puso, sa gulang na 80.[1] Inilibing siya sa El Camino Memorial Park sa San Diego, California.

Noong 1963, itinatag ni Salk ang Salk Institute for Biological Studies sa La Jolla, California, na ngayon ay isang sentro para sa medikal at siyentipikong pananaliksik. Nagpatuloy siya sa pagsasagawa ng pananaliksik at pag-publish ng mga libro sa kanyang mga huling taon, na nakatuon sa kanyang mga huling taon sa paghahanap para sa isang bakuna laban sa HIV. Masiglang nangampanya si Salk para sa mandatoryong pagbabakuna sa buong buhay niya, na tinawag ang unibersal na pagbabakuna ng mga bata laban sa sakit na isang "moral na pangako".[2] Ang mga personal na papel ni Salk ay naka-imbak ngayon sa Aklatan ng Geisel sa Unibersidad ng California, San Diego.[3][4]

Mga sanggunian

  1. The New York Times, Dr. Jonas Salk, Whose Vaccine Turned Tide on Polio, Dies at 80 1995-06-25. Nakuha noong 2010-07-15.
  2. Jacobs, Charlotte DeCroes. "Vaccinations have always been controversial in America: Column" Naka-arkibo September 29, 2022, sa Wayback Machine., USA Today, August 4, 2015
  3. "UC San Diego Library Receives Personal Papers of Jonas Salk" Naka-arkibo September 29, 2022, sa Wayback Machine., Newswise, March 20, 2014
  4. San Diego Union Tribune, 20 March 2014: "UCSD to house Salk's papers" Naka-arkibo May 6, 2016, sa Wayback Machine., accessed July 3, 2015.

Mga kawing na panlabas

May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.


TalambuhayMedisinaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panggagamot at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.