Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. Maaari kang makatulong sa pamamagitan ng pagbabago nito ngayon.(Nobyembre 2011)
Ang pananatili ng mga Europeo sa ngayon ay San Diego County ay nagsimula ng matagpuan ang Mission San Diego de Alcala ng mga Kastila, noong 1769.
Ang San Diego County ay naging bahagi ng Estados Unidos dulot ng Kasunduan ng Guadalupe Hidalgo nooong 1848, na nagwawakas sa Digmaang Mehikano-Amerikano. Ang kasunduang ito ay nagsagawa ng mga bagong hangganan na nagwawakas sa baybayin ng Karagatang Pasipiko na nagdulot ng pag-alis ng isang liga ng mga Kastila sa timog ng dulong katimugang bahagi ng Look ng San Diego, na nag-papasigurado sa Estados Unidos na makuha ang mahusay na natural na daungan.
Ang San Diego County ay isa sa mga tunay na county ng Califonia, at nabuo noong panahon ng pagkakatatag noong 1850. Isinunod ang pangalan nito sa Look ng San Diego, na ipingalan naman bilang pag-alala sa FransiskanongSan Didacus ng Alcalá, na mas kilala sa Kastila bilang San Diego de Alcalá de Henares.
Bilang orihinal na nagawang county noong 1850, ang San Diego Coutny ay may kalakakihan na kinabibilangan ng halos lahat ng timog-silangang California at silangan ng Los Angeles County. Kaya't nakapaloob dito dati ang pangunahing bahagi ng mga county ng Inyo, San Bernardino, Riverside at Imperial.
Naging saksi ang huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa maraming pagbabago ng hangganan ng mga county. Ang pinakahuli dito ay ang pagbuo ng Riverside County, noong 1893, at ng Imperial County, noong 1907.
Heograpiya
Ayon sa U.S. Census Bureau, ang county ay may kabuuang sukat na 11,721 km² (4,526 mi²).
Ang San Diego County ay iba't ibang topograpiya. Sa kanluran bahagi nito ay ang pitongpung milyang baybayin. Mayelong kabundukan naman ang bumubuo sa hilagang silangan, kasama ang Disyerto ng Sonoran sa dulong silangan. Ang Pambansang Kagubatan ng Cleveland ay matatagpuan sa kabuuan ng gitnang bahagi ng county, samantalang ang Anza-Borrego Desert State Park ang bumubuo sa hilagang silangan.
Brown Field, (SDM) (former East Field, NAAS Otay Mesa, and NAAS Brown Field)
Demograpiya
Noong 2006, mayroong 2,941,454 katao, 1,067,846 kabahayan, at 663,449 mag-anak ang naninirahan sa county. ang dami ng tao ay nasa 670 katao bawat milya parisukat (259/km²). Ang bumubuo sa mga lahi dito ay 52.3% ay mga puti, 10.2% ay Asyano, 5.6% Aprikanong Amerikano, 0.86% mga katutubong Amerikano, 0.78% mga lahing Pasipikano, 13% mula sa iba pang mga lahi, at 5% ay mula sa higit o dalawang magkahalong lahi. 29.9% ng populasyon ay Latino.