Ang urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi o UTI) ay isang impeksiyon na sanhi ng bakterya na nakakaapekto sa bahagi ng daanan ng ihi. Kapag naapektuhan nito ang ibabang bahagi ng daanan ng ihi, ito ay kilala bilang simpleng cystitis (isang impeksiyon sa pantog) at kapag naapektuhan nito ang itaas na bahagi ng daanan ng ihi ito ay kilala bilang pyelonephritis (isang impeksiyon sa bato). Ang mga sintomas mula sa ibabang bahagi ng daanan ng ihi ay kinabibilangan ng masakit na pag-ihi at alinman sa madalas na pag-ihi o kagustuhang umihi (o pareho), habang ang sa pyelonephritis ay kinabibilangan ng lagnat at pananakit ng tagiliran bilang karagdagan sa mga sintomas ng UTI sa ibabang bahagi. Sa matatanda at napakabata, ang mga sintomas ay maaaring hindi malinaw o hindi tiyak. Ang pangunahing sanhi ng parehong mga uri ay ang Escherichia coli, gayunpaman ang ibang mga bakterya, birus o fungi ay maaaring maging bihirang sanhi.
Mas karaniwang nangyayari ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan, na ang kalahati sa mga kababaihan ay mayroong hindi bababa sa isang impeksiyon sa ilang punto sa kanilang mga buhay. Karaniwan ang mga pag-ulit. Ang mga salik ng panganib ay kinabibilangan ng anatomiya ng babae, pakikipagtalik at kasaysayan ng pamilya. Ang pyelonephritis, kung mangyayari, ay karaniwang sinusundan ng impeksiyon sa pantog ngunit maaari ring magresulta mula sa isang impeksiyong sanhi ng dugo. Ang diyagnosis sa mga malusog na batang kababaihan ay maaaring ibatay lamang sa mga sintomas. Sa mga hindi malinaw na sintomas na iyon, maaaring maging mahirap ang diyagnosis dahil maaaring magkaroon ng bakterya na walang impeksiyon. Sa mga komplikadong kaso o kung nabigo ang paggamot, ang isang pag-culture sa ihi ay maaaring maging kapaki-pakinabang. Sa mga may madalas na pagkakaroon ng impeksiyon, maaaring uminom ng mga antibiyotiko bilang pang-iwas na pamamaraan.
Sa mga hindi komplikadong kaso, ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay madaling magamot ng mga antibiyotiko para sa maikling panahon, bagaman ang paglaban sa maraming mga antibiyotiko na ginagamit sa paggamot ng kondisyong ito ay tumataas. Sa mga komplikadong kaso, ang mas mahabang panahon ng pag-inom ng mga antibiyotiko o mga antibiyotiko na itinuturok sa ugat ay maaaring kailanganin, at kung ang mga sintomas ay hindi bubuti sa dalawa o tatlong araw, kailangan ng karagdagang diyagnostikong pagsusuri. Sa mga kababaihan, ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ang pinaka-karaniwang anyo ng impeksiyong sanhi ng bakterya na may 10% nabubuong mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) taun-taon.
Mga palatandaan at sintomas
Ang urinary tract infection sa ibabang bahagi ng daanan ng ihi ay tinutukoy rin bilang impeksiyon sa pantog. Ang mga pinaka-karaniwang sintomas ay ang mahapdi kapag umiihi at kailangang umihi ng madalas (o gustong umihi) na walang lumalabas sa maselang bahagi ng babae at matinding pananakit.[1] Maaaring mag-iba ang mga sintomas na ito mula sa banayad hanggang sa malubha[2] at tumatagal ng anim na araw sa mga malusog na kababaihan.[3] Maaaring magkaroon ng ilang pananakit sa itaas ng buto sa may puson o ibabang bahagi ng likuran. Ang mga taong nakakaranas ng urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) sa itaas na bahagi ng daanan ng ihi, opyelonephritis, ay maaaring makaranas ng pananakit sa tagiliran, lagnat, o nasusuka at pagsusuka bilang karagdagan sa mga sintomas ng urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) sa ibabang bahagi ng daanan ng ihi.[2] Bihirang makikitang madugo ang ihi[4] o mayroong makikitang pyuria (nana sa ihi).[5]
Sa mga bata
Sa mga bata, ang sintomas lamang ng isang urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi o UTI) ay maaaring isang lagnat. Dahil sa kakulangan sa mga mas makikitang sintomas, kapag ang mga babae na wala pang dalawang taong gulang o mga lalaki na hindi pa natuli ay nagpakita ng isang lagnat nang wala pang isang taon, ang isang pag-culture sa ihi ay inirerekomenda ng maraming mga medikal na samahan. Ang mga sanggol ay maaaring kumain nang mahina, sumuka, mas marami ang pagtulog, o magpakita ng mga palatandaan ng paninilaw. Sa mas matandang mga bata, maaaring mangyari ang bagong pagsisimula ng hindi mapigilang pag-ihi (kawalan ng kontrol sa pantog).[6]
Sa matatanda
Ang mga sintomas ng urinary tract (daanan ng ihi) ay karaniwang kulang sa matatanda.[7] Ang mga pagpapakita ay maaaring walang katiyakan sa hindi mapigilang pag-ihi, isang pagbabago sa kalagayan ng isipan, o pagkapagod bilang mga tanging sintomas.[2] Habang ang ilan ay humaharap sa tagapagkaloob (provider) ng pangangalagang pangkalusugan na mayroong sepsis, isang impeksiyon sa dugo, bilang unang mga sintomas.[4] Ang diyagnosis ay maaaring gawing komplikado ng katotohanan na maraming mga matatandang tao ang mayroong umiiral nang hindi mapigilang pag-ihi o demensya.[7]
Sanhi
Ang E. coli ay ang sanhi ng 80–85% ng mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi), na may Staphylococcus saprophyticus bilang sanhi sa 5–10%.[1] Bihira na ang mga ito ay dahil sa sanhi ng birus o mga impeksiyon ng fungus.[8] Ang ibang mga sanhi ng bakterya ay maaaring kabilangan ng:Klebsiella, Proteus, Pseudomonas, at Enterobacter. Ang mga ito ay hindi karaniwan at karaniwang may kaugnayan sa mga hindi normal na sistema ukol sa pag-ihi o paglalagay ng catheter sa pantog.[4] Ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) na dahil sa Staphylococcus aureus ay karaniwang nangyayari pangalawa sa mga impeksiyong sanhi ng dugo.[2]
Pakikipagtalik
Sa mga batang kababaihan na sekswal na aktibo, ang sekswal na gawain ay ang sanhi ng 75–90% ng mga impeksiyon sa pantog, na mayroong panganib ng impeksiyon na may kaugnayan sa dalas ng pakikipagtalik.[1] Ang terminong "honeymoon cystitis" ay inilapat sa pangyayaring ito na madalas na mga UTI sa panahon ng simula ng pag-aasawa. Sa mga kababaihang pagkatapos mag-menopause, hindi nakakaapekto ang sekswal na aktibidad sa panganib ng pagkakaroon ng UTI. Ang paggamit ng spermicide, malayang dalas ng pagtatalik, ay pinapataas ang panganib ng mga UTI.[1]
Mas madaling magkaroon ng mga UTI ang mga kababaihan kaysa sa mga lalaki dahil, sa mga babae, ang urethra (kung saan lumalabas ang ihi) ay mas maikli at mas malapit sa butas ng puwit.[9] Habang bumababa ang mga antas ng estrogen ng babae sa menopause, ang kanyang panganib sa mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay tumataas dahil sa pagkawala ng nagpoprotektang vaginal flora.[9]
Mga catheter para sa pag-ihi
Pinapataas ng Paglalagay ng catheter ang panganib para sa mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi). Ang panganib ng bacteriuria (bakterya sa ihi) ay nasa pagitan ng tatlo hanggang anim na porsiyento kada araw at ang mga prophylactic (pang-iwas sa saki) na antibiyotiko ay hindi mabisa sa pagbabawas ng mga sintomas ng impeksiyon.[9] Ang panganib ng isang kasamang impeksiyon ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng paglalagay ng catheter kung kinakailangan lamang, gamit ang isterilisadong paraan ng pagpapasok, at pinapanatili ang hindi baradong saradong daanan ng catheter.[10][11][12]
Iba pa
Ang posibilidad para sa mga impeksiyon sa pantog ay maaaring nasa pamilya. Ang iba sa mga salik ng panganib ay kinabibilangan ng diyabetes melitus (pinaka-karaniwang uri ng diyabetes),[1] ang pagiging hindi natuli, at pagkakaroon ng malaking prostate.[2] Ang mga komplikadong salik ay malabo at kinabibilangan ng mga pangkatawan, paggana, o ukol sa metabolismo na abnormalidad. Ang isang kumplikadong UTI ay mas mahirap magamot at karaniwang kinakailangan ng mas agresibong pagtatasa, paggamot at pag-follow-up.[13] Sa mga bata ang mga UTI ay nauugnay sa vesicoureteral reflux (isang hindi normal na paggalaw ng ihi mula sa pantog papunta sa mga ureter o mga bato) at hindi makadumi.[6]
Ang mga taong may pinsala sa gulugod ay nasa panganib para sa urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) bilang bahagi dahil sa paulit-ulit na paggamit ng catheter, at bilang bahagi dahil sa hindi normal na hindi pagpuno ng ihi sa pantog.[14] Ito ang pinaka-karaniwang sanhi ng impeksiyon sa populasyon na ito, gayundin ang pinaka-karaniwang sanhi ng pagkakaospital.[14] Bilang karagdagan, ang paggamit ng cranberry juice o cranberry supplement ay tila hindi mabisa sa pag-iwas at paggamot sa populasyon na ito.[15]
Paraan ng pagbuo ng sakit
Ang bakterya na nagdudulot ng mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay karaniwang pumapasok sa pantog sa pamamagitan ng urethra (kung saan lumalabas ang ihi). Gayunpaman, maaari ring mangyari ang impeksiyon sa pamamagitan ng dugo o lymph. Pinaniniwalaan na ang bakterya ay karaniwang dinadala papunta sa urethra (kung saan lumalabas ang ihi) mula sa bituka, ang mga kababaihan ang nasa mas mataas na panganib dahil sa kanilang anatomya. Pagatapos makapasok sa pantog, ang E. Coli ay makakadikit sa gilid ng pantog at bubuo ng isang biofilm na lumalaban sa paglaban ng katawan.[4]
Pag-iwas
Ang bilang ng mga pamamaraan ay hindi pa napapatunayan na nakakaapekto sa dalas ng UTI kabilang ang: paggamit ng mga gamot na pampigil sa pagbubuntis o mga kondom, kaagad na pag-ihi pagkatapos ng pagtatalik, ang uri ng ginagamit na salawal, mga personal na pamamaraan ng kalinisan pagkatapos umihi o dumumi, o kung ang isang tao ay karaniwang naliligo o nagsha-shower.[1] Mayroon kaparehong kakulangan ng ebidensiya na nakapaloob sa epekto ng pagpipigil ng pag-ihi, paggamit ng tampon, at paghuhugas.[9]
Para sa mga may madalas na mga urinary tract infections (impeksiyon sa daanan ng ihi) na gumagamit ng spermicide o diaphragm bilang paraan ng pampigil sa pagbubuntis, sila ay pinapayuhan na gumamit ng mga alternatibong paraan.[4] Maaaring bawasan ng Cranberry (juice o kapsula) ang pangyayari ng mga madalas na impeksiyon,[16][17] ngunit ang pangmatagalang toleransiya ay isang problema[16] sa pagkasira ng tiyan na nangyayari sa mahigit sa 30%.[18] Ang paggamit ng dalawang beses araw-araw ay maaaring pinakamahusay kaysa sa isang beses na paggamit.[19] Simula 2011, ang mga probiyotiko na ipinapasok sa maselang bahagi ng babae ay nangangailangan ng karagdagang pag-aaral para malaman kung ang mga ito ay kapaki-pakinabang.[4] Ang paggamit ng condom nang walang spermicide o ang paggamit ng mga gamot na pampigil sa pagbubuntis ay hindi pinapataas ang panganib ng hindi kumplikadong urinated tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi).[20]
Mga gamot
Para sa mga mayroong pabalik-balik na mga impeksiyon, ang isang matagal na panahon ng araw-araw na mga antibyotiko ay mabisa.[1] Ang mga gamot na madalas gamitin ay kinabibilangan ng nitrofurantoin at trimethoprim/sulfamethoxazole.[4] Ang methenamine ay isa pang agent na madalas na ginagamit para sa layunin na ito dahil ang pantog ay mayroong mababang acidity, ito ay lumilikha ng formaldehyde kung saan walang nabubuong paglaban dito.[21] Sa mga kaso na ang impeksiyon ay nauugnay sa pagtatalik, ang pag-inom ng mga antibyotiko pagkatapos nito ay maaaring kapaki-pakinabang.[4] Sa mga kababaihang natapos na ang menopause, ang paglalagay sa ibabaw ng estrogen sa maselang bahagi ng babae ay natuklasang binabawasan ang muling pagbalik nito. Bilang salungat sa mga ipinapahid na cream sa ibabaw, ang paggamit ng vaginal estrogen mula sa mga pessary (natutunaw na piraso na ipinapasok sa maselang bahagi) ay hindi kapaki-pakinabang katulad ng mababang dosis ng mga antibyotiko.[22] Ang bilang ng mga bakuna ay binubuo simula 2011.[4]
Sa mga bata
Ang ebidensiya na ang pang-iwas na mga antibyotiko ay binabawasan ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) sa mga batang mahihirap.[23] Gayunpaman, ang pabalik-balik na mga UTI ay bihirang sanhi ng mga karagdagang problema sa bato kung walang mga nasa ilalim na abnormalidad sa mga bato, na nagreresulta sa mababa sa ikatlo ng porsiyento (0.33%) ng hindi gumagaling na sakit sa bato sa mga nasa hustong gulang.[24]
Diyagnosis
Sa mga direktang kaso, maaaring gumawa ng isang diyagnosis at paggamot na ibinibigay batay sa mga sintomas lamang na walang karagdagang pagpapatunay ng laboratoryo. Sa mga komplikado o kahina-hinalang kaso, maaaring nakakatulong na kumpirmahin ang diyagnosis sa pamamagitan ng pagsusuri ng ihi, paghahanap ng pagkakaroon ng mga nitrite sa ihi, mga puting selula ng dugo (leukocytes), o leukocyte esterase. Ang isa pang pagsusuri, ang mikroskopya ng ihi, paghahanap ng pagkakaroon ng mga pulang selula ng dugo, puting selula ng dugo, o bakterya. Ang culture ay itinuturing na positibo kung ito ay nagpapakita ng bilang ng kolonya ng bakterya na mas mataas kaysa sa o katumbas ng 103 mga unit na bumubuo ng kolonya kada mL ng isang karaniwang organismo sa daanan ng ihi. Ang pagiging sensitibo sa antibiyotiko ay maaari ring masubukan sa mga culture na ito, ang mga ito ay nakakatulong sa pagpili ng paggamot gamit ang antibiyotiko. Gayunpaman, ang mga kababaihang may negatibong culture ay maaari pa ring bumuti sa paggamot gamit ang antibiyotiko.[1] Dahil ang mga sintomas ay maaaring Malabo at walang maasahang mga pagsusuri para sa mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi), ang diyagnosis ay maaaring mahirap para sa matatanda.[7]
Pag-uuri
Ang urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay maaaring kasangkutan lamang ng ibabang bahagi ng daanan ng ihi, sa ganitong kaso ito ay kilala bilang impeksiyon sa pantog. Bilang alternatiba, ito ay maaaring kasangkutan ng itaas na bahagi ng daanan ng ihi, sa ganitong kaso ito ay kilala bilang pyelonephritis. Kung ang ihi ay naglalaman ng maraming bakterya ngunit walang mga sintomas, ang kondisyon ay kilala bilang asymptomatic bacteriuria (pagkakaroon ng bakterya sa ihi nang walang mga sintomas).[2] Kung ang urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay kinasasangkutan ng itaas na bahagi ng daanan ng ihi, at ang tao ay mayroong diabetes mellitus (pinaka-karaniwang uri ng diyabetes), buntis, lalaki, o mahinang sistema ng panlaban sa sakit, ito ay itinuturing na komplikado.[3][4] Kung hindi man, kung ang isang babae ay malusog at bago ang menopause ito ay itinuturing na hindi komplikado.[3] Sa mga bata kapag ang urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay may kasamang lagnat, ito ay itinuturing na isang impeksiyon sa itaas na bahagi ng daanan ng ihi.[6]
Sa mga bata
Para gawin ang diyagnosis ng isang urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) sa mga bata, ang isang positibong culture ng ihi ang kailangan. Ang kontaminasyon ay maaaring magdulot ng isang madalas na hamon depende sa ginagamit na paraan ng pagkolekta, kaya ang cutoff ng 105 CFU/mL ang ginagamit para sa isang "clean-catch" mid stream na sample (pagkolekta ng ihi sa kalagitnaan ng pagtulo nito hindi ang unang patak), 104 CFU/mL ang ginagamit para sa mga sample na kinuha sa catheter, at 102 CFU/mL ang ginagamit para sa mga suprapubic aspiration (ang isang sample ay direktang kinukuha mula sa pantog gamit ang karayom). Ang paggamit ng "mga supot ng ihi" para kolektahin ang mga sample ay hindi hinihikayat ng World Health Organization dahil sa mataas na bilang ng kontaminasyon kapag na-culture, at mas gugustuhin ang paglalagay ng catheter sa mga hindi sinanay pumunta sa banyo. Ang ilan, katulad ng Akademya ng mga Pediyatriko ng Amerika ay inirerekomenda ang ultrasound ng bato at voiding cystourethrogram (panonood sa urethra (kung saan lumalabas ang ihi) at pantog gamit ang aktwal na mga x-ray habang sila ay umiihi) sa lahat ng mga bata na mas bata sa dalawang taong gulang na nagkaroon ng isang urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi). Gayunpaman, dahil mayroong kakulangan sa mabisang paggamot kung makikita ang mga problema, ang iba katulad ng National Institute for Clinical Excellence (Pambansang Institusyon para sa Klinikal na Kahusayan) ay inirerekomenda lamang ang karaniwang imaging sa mga wala pang anim na buwan o mayroong mga hindi karaniwang natuklasan.[6]
Ang pangunahing bahagi ng paggamot ay ang mga antibyotiko. Ang phenazopyridine ay inirereseta paminsan-minsan sa panahon ng mga unang ilang araw bilang karagdagan sa mga antibyotiko para makatulong sa mahapdi at pangangailangang umihi na minsan nararamdaman sa panahon ng impeksiyon sa pantog.[29] Gayunpaman, ito ay karaniwang hindi inirerekomenda dahil sa mga alalahanin sa kaligtasan ng paggamit nito, lalo na sa isang mataas ang panganib ng methemoglobinemia(mas mataas kaysa sa normal na lebel ng methemoglobin sa dugo).[30] Ang acetaminophen (paracetamol) ay maaaring gamitin para sa mga lagnat.[31]
Ang mga kababaihang may pabalik-balik na simpleng mga UTI ay maaaring makinabang mula sa paggamot sa sarili kapag nangyari ang mga sintomas na may follow-up na medikal kung mabibigo lamang ang unang paggamot. Ang reseta para sa mga antibyotiko ay maaaring ihatid sa parmasiyotiko sa pamamagitan ng telepono.[1]
Hindi komplikado
Ang mga hindi komplikadong impeksiyon ay maaaring masuri at magamot batay lamang sa mga sintomas.[1] Ang mga iniinom na antibyotiko tulad ng trimethoprim/sulfamethoxazole (TMP/SMX), mga cephalosporin, nitrofurantoin, o isang fluoroquinolone ay pinaiikli ang panahon ng paggaling sa pangkalahatan na ang lahat ay pare-parehong mabisa.[32] Ang tatlong araw na paggamot gamit ang trimethoprim, TMP/SMX, o isang fluoroquinolone ay karaniwang sapat, samantala ang nitrofurantoin ay nangangailangan ng 5–7 araw.[1][33] Kapag ginagamot, ang mga sintomas ay dapat bumuti sa loob ng 36 oras.[3] Halos 50% ng mga tao ang gagaling nang walang paggamot sa loob ng ilang mga araw o linggo.[1] Ang Samahan ng Amerika para sa mga Nakakahawang Sakit ay hindi inirerekomenda ang fluoroquinolones bilang unang paggamot dahil sa alalahaning paglikha ng paglaban sa klase ng gamot na ito.[33] Sa kabila ng pag-iingat na ito, ang ilang paglaban ay nabubuo sa lahat ng mga gamot na ito na may kaugnayan sa malawak na paggamit nito.[1] Ang trimethoprim lamang ay itinuturing na katumbas ng TMP/SMX sa ilang mga bansa.[33] Para sa simpleng mga UTI, ang mga bata ay madalas tumutugon sa isang tatlong araw na kurso ng mga antibyotiko.[34]
Pyelonephritis
Ang pyelonephritis ay ginagamot ng mas agresibo kaysa sa isang simpleng impeksiyon sa pantog gamit ang alinman sa mas mahabang kurso ng iniinom na antibyotiko o mga itinuturok sa ugat na antibyotiko.[35] Ang pitong araw ng iniinom na fluoroquinolone ciprofloxacin ay karaniwang ginagamit sa mga lugar kung saan ang paglaban sa gamot ay mas mababa sa 10%.Kung ang lokal na bilang ng paglaban sa gamot ay mas mataas sa 10%, ang isang dosis ng itinuturok sa ugat na ceftriaxone ay kadalasang inirereseta. Sa mga nagpapakita ng mas malubhang sintomas, ang pagpapasok sa ospital para sa kasalukuyang mga antibyotiko ay maaaring kailanganin.[35] Ang mga komplikasyon tulad ng kawalan ng kakayahang umihi dahil sa isang bato sa bato ay maaaring isaalang-alang kung ang mga sintomas ay hindi bubuti sa sumunod na dalawa o tatlong araw ng paggamot.[2][35]
Aral ukol sa epidemya
Ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay ang pinakamadalas na impeksiyon ng bakterya sa mga kababaihan.[3] Ang mga ito ay nangyayari nang pinakamadalas sa pagitan ng edad 16 at 35 taon, na may 10% ng mga kababaihan ang nakakakuha ng impeksiyon taun-taon at 60% ang mayroong impekisyon sa ilang bahagi sa kanilang mga buhay.[1][4] Ang mga pagbalik ay karaniwan, na ang halos kalahati ng mga tao ang nakakakuha ng pangalawang impeksiyon sa loob ng isang taon. Ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay nangyayari nang apat na beses na mas madalas sa mga babae kaysa sa mga lalaki.[4] Ang pyelonephritis ay madalas na nangyayari sa pagitan ng 20–30 beses.[1] Ang mga ito ang pinaka-karaniwang sanhi ng mga impeksiyong nakukuha sa ospital na nagiging sanhi sa halos 40%.[36] Ang mga bilang ng (pagkakaroon ng bakterya sa ihi na hindi nagpapakita ng mga sintomas) ay tumataas habang nagkakaedad mula dalawa hanggang pitong porsiyento sa mga kababaihang nasa edad na maaaring mag-anak hanggang sa kasing taas ng 50% sa mga matatanda na nasa mga care home.[9] Ang mga bilang ng (pagkakaroon ng bakterya sa ihi na hindi nagpapakita ng mga sintomas) sa mga lalaki na mahigit 75 taon ay nasa pagitan ng 7-10%.[7]
Ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ay maaaring makaapekto sa 10% ng mga tao sa panahon ng pagkabata.[4] Sa mga bata ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ang pinaka-karaniwan sa mga hindi natuli na lalaki na mas bata sa tatlong buwan, kasunod ang mga babae na mas bata sa isang taon.[6] Ang mga pagtatantya sa mga bata gayunpaman ay nag-iiba nang malawakan. Sa grupo ng mga bata na may lagnat, na mula sa pagitan ng pagkapanganak at dalawang taon, dalawa hanggang 20% ang nasuring may UTI.[6]
Lipunan at kultura
Sa Estados Unidos, ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) ang dahilan ng halos pitong milyong pagbisita sa opisina, isang milyong mga emerhensyang pagbisita sa departamento, at isang daang pagkakaospital bawat taon.[4] Ang halaga ng mga impeksiyon na ito ay malaki sa parehong pagkawala ng oras sa trabaho at mga halaga ng pangangalagang medikal. Sa Estados Unidos ang direktang halaga ng paggastos ay tinatayang nasa 1.6 bilyong dolyares ng Estados Unidos taun-taon.[36]
Kasaysayan
Ang mga urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi) na inilarawan simula ng sinaunang panahon na may unang naidokumentong paglalarawan sa Ebers Papyrus na pinetsahan ng c. 1550 BC.[37] It ay inilarawan ng mga taga-Ehipto bilang "naglalabas ng init mula sa pantog".[38] Ang mabisang paggamot ay hindi nangyari hanggang nagkaroon ng pag-unlad at magagamit na mga antibyotiko noong panahon ng 1930 bago ang panahong iyon ang mga halaman, bloodletting (pagkuha ng dugo) at pagpapahinga ay inirekomenda.[37]
Sa pagbubuntis
Ang mga urinary tract infection ay mas nakakabahala sa pagbubuntis dahil sa mataas na panganib ng mga impeksiyon sa bato. Sa panahon ng pagbubuntis, pinapataas ng mataas na lebel ng progesterone ang panganib ng bumabang lakas ng kalamnan ng mga ureter at pantog, na humahantong sa mas mataas na posibilidad ng reflux, kung saan ang ihi ay dumadaloy pabalik sa mga ureter at papunta sa mga bato. Habang ang mga buntis na kababaihan ay walang mataas na panganib ng asymptomatic bacteriuria (pagkakaroon ng bakterya sa ihi na hindi nagpapakita ng mga sintomas), kung mayrong bacteriuria (pagkakaroon ng bakterya sa ihi) mayroong silang 25-40% panganib ng impeksiyon sa bato.[9] Kay kung ang pagsusuri ng ihi ay nagpapakita ng mga palatandaan ng isang impeksiyon—kahit na walang mga sintomas—inirerekomenda ang paggamot.Ang cephalexin o nitrofurantoin ay karaniwang ginagamit dahil ang mga ito ay itinuturing na ligtas sa pagbubuntis sa pangkalahatan.[39] Ang isang impeksiyon sa bato sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magresulta sa panganganak nang wala sa takdang oras o pre-eclampsia (isang kalagayan ng mataas na presyon ng dugo at hindi normal na paggana ng bato sa panahon ng pagbubuntis na maaaring humantong sa mga pangingisay).[9]
↑ 3.03.13.23.33.4Colgan, R; Williams, M (2011-10-01). "Diagnosis and treatment of acute uncomplicated cystitis". American family physician. 84 (7): 771–6. PMID22010614.
↑ 14.014.1Eves, FJ; Rivera, N (2010 Apr). "Prevention of urinary tract infections in persons with spinal cord injury in home health care". Home healthcare nurse. 28 (4): 230–41. doi:10.1097/NHH.0b013e3181dc1bcb. PMID20520263. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
↑Opperman, EA (2010 Jun). "Cranberry is not effective for the prevention or treatment of urinary tract infections in individuals with spinal cord injury". Spinal cord. 48 (6): 451–6. doi:10.1038/sc.2009.159. PMID19935757. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
↑Cubeddu, Richard Finkel, Michelle A. Clark, Luigi X. (2009). Pharmacology (ika-4th ed. (na) edisyon). Philadelphia: Lippincott Williams & Wilkins. p. 397. ISBN9780781771559. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Perrotta, C; Aznar, M, Mejia, R, Albert, X, Ng, CW (2008-04-16). "Oestrogens for preventing recurrent urinary tract infection in postmenopausal women". Cochrane database of systematic reviews (Online) (2): CD005131. doi:10.1002/14651858.CD005131.pub2. PMID18425910.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Dai, B; Liu, Y; Jia, J; Mei, C (2010). "Long-term antibiotics for the prevention of recurrent urinary tract infection in children: a systematic review and meta-analysis". Archives of Disease in Childhood. 95 (7): 499–508. doi:10.1136/adc.2009.173112. PMID20457696.
↑Salo, J; Ikäheimo, R, Tapiainen, T, Uhari, M (2011 Nov). "Childhood urinary tract infections as a cause of chronic kidney disease". Pediatrics. 128 (5): 840–7. doi:10.1542/peds.2010-3520. PMID21987701. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Walls, authors, Nathan W. Mick, Jessica Radin Peters, Daniel Egan ; editor, Eric S. Nadel ; advisor, Ron (2006). Blueprints emergency medicine (ika-2nd ed. (na) edisyon). Baltimore, Md.: Lippincott Williams & Wilkins. p. 152. ISBN978-1-4051-0461-6. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong); |first= has generic name (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Zalmanovici Trestioreanu A, Green H, Paul M, Yaphe J, Leibovici L (2010). Zalmanovici Trestioreanu, Anca (pat.). "Cochrane Database of Systematic Reviews". Cochrane Database Syst Rev. 10 (10): CD007182. doi:10.1002/14651858.CD007182.pub2. PMID20927755. {{cite journal}}: |chapter= ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑ 33.033.133.2Gupta, K; Hooton, TM, Naber, KG, Wullt, B, Colgan, R, Miller, LG, Moran, GJ, Nicolle, LE, Raz, R, Schaeffer, AJ, Soper, DE, Infectious Diseases Society of, America, European Society for Microbiology and Infectious, Diseases (2011-03-01). "International clinical practice guidelines for the treatment of acute uncomplicated cystitis and pyelonephritis in women: A 2010 update by the Infectious Diseases Society of America and the European Society for Microbiology and Infectious Diseases". Clinical infectious diseases : an official publication of the Infectious Diseases Society of America. 52 (5): e103-20. doi:10.1093/cid/ciq257. PMID21292654.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑ 35.035.135.2Colgan, R; Williams, M, Johnson, JR (2011-09-01). "Diagnosis and treatment of acute pyelonephritis in women". American family physician. 84 (5): 519–26. PMID21888302.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Wilson...], [general ed.: Graham (1990). Topley and Wilson's Principles of bacteriology, virology and immunity : in 4 volumes (ika-8. ed. (na) edisyon). London: Arnold. p. 198. ISBN0-7131-4591-9. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)
↑Guinto VT, De Guia B, Festin MR, Dowswell T (2010). Guinto, Valerie T (pat.). "Cochrane Database of Systematic Reviews". Cochrane Database Syst Rev (9): CD007855. doi:10.1002/14651858.CD007855.pub2. PMID20824868. {{cite journal}}: |chapter= ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Artikel ini bukan mengenai Turkistan (region), Turki, atau Kepulauan Turks dan Caicos. TurkmenistanTürkmenistan (Turkmen) Bendera Lambang Semboyan: Türkmenistan Bitaraplygyň Watanydyr (Turkmenistan ialah Tanah Air Netralitas)Lagu kebangsaan: Garaşsyz Bitarap Türkmenistanyň Döwlet Gimni (Himne Nasional Netral Turkmenistan) Perlihatkan BumiPerlihatkan peta BenderaIbu kota(dan kota terbesar)Ashgabat37°58′N 58°20′E / 37.967°N 58.333°E / 37.967; 58...
فيتوريو إمانويلي أورلاندو (بالإيطالية: Vittorio Emanuele Orlando) معلومات شخصية اسم الولادة (بالإيطالية: Vittorio Emanuele Orlando) الميلاد 18 مايو 1860(1860-05-18)، 19 مايو 1860باليرمو[1] الوفاة 1 ديسمبر 1952 (92 سنة) [1][2][3][4][5] روما[1] مواطنة إيطاليا (19 يونيو 1946...
Austrian musician (1776–1841) Ignaz von Seyfried. 1829 lithograph by Josef Kriehuber Ignaz Xaver Ritter[1] von Seyfried (15 August 1776 – 27 August 1841) was an Austrian musician, conductor and composer. He was born and died in Vienna. According to a statement in his handwritten memoirs[2] he was a pupil of both Wolfgang Amadeus Mozart and Johann Georg Albrechtsberger. He edited Albrechtsberger's complete written works after his death, published by Tobias Haslinger. His ow...
Петроградская оборонаОсновной конфликт: Гражданская война в России Строительство баррикад в Петрограде во время наступления армии генерала Н.Н.Юденича Дата 13 мая — 14 ноября 1919 Место Санкт-Петербургская губерния, Олонецкая губерния Итог Победа РККА Противники РСФСР Ро�...
Voce principale: Società Polisportiva Ars et Labor. Società Polisportiva Ars et LaborStagione 1993-1994 Sport calcio Squadra SPAL Allenatore Gian Cesare Discepoli Presidente Giovanni Donigaglia Serie C13º nel girone A Coppa ItaliaPrimo turno Coppa Italia Serie CSedicesimi di finale Maggiori presenzeCampionato: Zamuner (34) Miglior marcatoreCampionato: Bizzarri (22) StadioPaolo Mazza (22 000) Abbonati4 167 Maggior numero di spettatori17 000 vs. Bologna(12 giugno 1994) 1...
Duta Besar Federasi Rusia untuk Burkina FasoLambang Kemenlu RusiaPetahanaVladimir Baykov [ru]sejak 18 Januari 2016Kementerian Urusan Luar NegeriKedutaan Besar Rusia di AbidjanAtasanMenteri Urusan Luar NegeriKantorAbidjanDitunjuk olehPresiden RusiaMasa jabatanAtas keinginan PresidenSitus webKedubes Rusia di Pantai Gading Duta Besar Luar Biasa dan Berkuasa Penuh Federasi Rusia untuk Burkina Faso adalah perwakilan resmi Presiden dan Pemerintahan Federasi Rusia untuk Presiden da...
Церква Покрови Пресвятої Богородиці Церква Покрови. Зовнішній вигляд 49°33′43″ пн. ш. 25°34′01″ сх. д. / 49.56194° пн. ш. 25.56694° сх. д. / 49.56194; 25.56694Координати: 49°33′43″ пн. ш. 25°34′01″ сх. д. / 49.56194° пн. ш. 25.56694° сх. д. / 49.56194...
Jogos eletrônicos Plataformas Arcade Console de jogos eletrônicos Jogo de console Jogo para celular Jogo on-line Jogo de computador Tópicos Desenvolvimento de jogos Jornalismo de jogos História dos jogos Indústria dos jogos Música dos jogos Gêneros Jogo eletrônico de ação Jogo eletrônico de tiro Survival horror Jogo eletrônico de ação e aventura Jogo eletrônico de aventura RPG eletrônico Jogo eletrônico de simulação Jogo eletrônico de esporte Jogo eletrônico de estratégi...
Algonquian language spoken in North America This article is about the dialect. For history of the ethnic group which speaks it, see Iron Confederacy. Plains Creeᓀᐦᐃᔭᐍᐏᐣ nēhiyawēwinNative toCanada, United StatesRegionManitoba, Saskatchewan, Alberta, MontanaNative speakers3,200 (2001–2016)[1]Language familyAlgic AlgonquianCree-Montagnais-Naskapi[2]CreePlains CreeOfficial statusOfficial language inNorthwest Territories (Canada), as Cree[3]...
Artikel ini perlu diterjemahkan dari bahasa Melayu ke bahasa Indonesia. Artikel ini ditulis atau diterjemahkan secara buruk dari Wikipedia bahasa Melayu. Jika halaman ini ditujukan untuk komunitas bahasa Melayu, halaman itu harus dikontribusikan ke Wikipedia bahasa Melayu. Lihat daftar bahasa Wikipedia. Artikel yang tidak diterjemahkan dapat dihapus secara cepat sesuai kriteria A2. Jika Anda ingin memeriksa artikel ini, Anda boleh menggunakan mesin penerjemah. Namun ingat, mohon tidak menyali...
2017 Cornwall Council election ← 2013 4 May 2017 2021 → 123 seats to Cornwall Council62 seats needed for a majority First party Second party Third party Party Conservative Liberal Democrats Independent Last election 31 seats, 24.3% 36 seats, 23.0% 37 seats, 21.9% Seats won 46 38 30 Seat change 15 2 7 Popular vote 58,890 49,900 33,950 Percentage 35.2% 29.8% 20.3% Swing 10.9% 6.8% 1.6% Fourth party Fifth party Party Labour M...
Football tournament season 1980–81 Bulgarian CupBotev's captain Zehtinski with the cupTournament detailsCountry BulgariaFinal positionsChampionsBotev Plovdiv(2nd cup)Runner-upPirin BlagoevgradTournament statisticsTop goal scorer(s)Hristo Denchev (Pirin)(6 goals)← 1979–801981–82 → The 1980–81 Bulgarian Cup was the 41st season of the Bulgarian Cup (in this period the tournament was named Cup of the Soviet Army).[1] Botev Plovdiv won the competition, be...
Novi VeliaKomuneComune di Novi VeliaLokasi Novi Velia di Provinsi SalernoNegaraItaliaWilayah CampaniaProvinsiSalerno (SA)Luas[1] • Total34,71 km2 (13,40 sq mi)Ketinggian[2]648 m (2,126 ft)Populasi (2016)[3] • Total2.298 • Kepadatan66/km2 (170/sq mi)Zona waktuUTC+1 (CET) • Musim panas (DST)UTC+2 (CEST)Kode pos84060Kode area telepon0974Situs webhttp://www.comune.noviligure.al.it Novi Velia...
Executive branch of the European Union European Commission Name in official languages Bulgarian: Европейска комисия Croatian: Europska komisija Czech: Evropská komise Danish: Europa-Kommissionen Dutch: Europese Commissie English: European Commission Estonian: Euroopa Komisjon Finnish: Euroopan komissio French: Commission européenne German: Europäische Kommission Greek: Ευρωπαϊκή Επιτροπή Hungarian: Európai Bizottság Irish: Coimisiún Eorpach Italian: Com...
Swimming at the1968 Summer OlympicsFreestyle100 mmenwomen200 mmenwomen400 mmenwomen800 mwomen1500 mmenBackstroke100 mmenwomen200 mmenwomenBreaststroke100 mmenwomen200 mmenwomenButterfly100 mmenwomen200 mmenwomenIndividual medley200 mmenwomen400 mmenwomenFreestyle relay4×100 mmenwomen4×200 mmenMedley relay4×100 mmenwomenvte The women's 400 metre freestyle event at the 1968 Olympic Games took place between 19 and 20 October.[1] This swimming event used freestyle swimming...
Cet article est une ébauche concernant le cyclisme et l’Espagne. Vous pouvez partager vos connaissances en l’améliorant (comment ?) selon les recommandations des projets correspondants. Tour d'Espagne 1968GénéralitésCourse 23e Tour d'EspagneCompétition Super Prestige Pernod 1968 (d)Étapes 18Date 25 avril - 12 mai 1968Distance 2 990 kmPays traversé(s) EspagneLieu de départ VigoLieu d'arrivée BilbaoÉquipes 9Coureurs au départ 90Coureurs à l'arrivée 51Vitesse mo...
Italian politician (born 1967) Stefano BonacciniOfficial portrait, 2024Member of the European ParliamentIncumbentAssumed office 16 July 2024ConstituencyNorth-East Italy9th President of Emilia-RomagnaIn office24 November 2014 – 12 July 2024Preceded byVasco ErraniSucceeded byIrene Priolo (acting)President of the Democratic PartyIncumbentAssumed office 12 March 2023Preceded byValentina CuppiPresident of the Conference of the Regions and Autonomous ProvincesIn office17 December...
This article needs additional citations for verification. Please help improve this article by adding citations to reliable sources. Unsourced material may be challenged and removed.Find sources: 53rd Rifle Corps – news · newspapers · books · scholar · JSTOR (January 2021) (Learn how and when to remove this message) 53rd Rifle CorpsBranchSoviet Red ArmyEngagements Eastern Front (World War II) Operation Barbarossa Military unit The 53rd Rifle Corps was a...
Indian film actor (1925–2001) For other people named Pradeep Kumar, see Pradeep Kumar (disambiguation). Pradeep Kumarপ্রদীপ কুমারKumar in the film Bandhan (1956)BornSital Batabyal(1925-01-04)4 January 1925 Calcutta, Bengal Presidency, British IndiaDied27 October 2001(2001-10-27) (aged 76)Kolkata, West Bengal, IndiaYears active1947–1998Known for Anarkali Nagin Taj MahalChildren4, including Beena Banerjee Pradeep Kumar (born Sital Batabyal; 4 January 192...
Questa voce sull'argomento calciatori italiani è solo un abbozzo. Contribuisci a migliorarla secondo le convenzioni di Wikipedia. Segui i suggerimenti del progetto di riferimento. Giacomo NeriNazionalità Italia Calcio RuoloAla Termine carriera1949 - giocatore1959 - allenatore CarrieraGiovanili 19??-1931 Faenza Squadre di club1 1931-1932 Faenza? (1)1932-1933 Libertas Rimini? (?)1933-1936 Livorno46 (4)1936-1937 Juventus11 (1)1937-1939 Livorno53 (11)193...