Sa pangkalahatan, gumagawa ng isang pangkat ang paghahanap sa sagot sa isang binigay na bunin na f para sa bawat elemento ng subpangkat na A ng sakop nito. Ito ang "imahe ng A sa ilalim (o sa) f." Sa ganito ring pananaw, ang kabaligtarang imahe (tinatawag din sa Ingles na preimage) ng isang subpangkat na B ng kasakop ng f ay ang pangkat ng lahat ng mga elemento ng sakop na mamamapa sa mga miyembro ng B.
Bukod sa mga bunin, maaari ring mabigyang-kahulugan ang imahe at ang kabaligtarang imahe para sa mga relasyong tambalan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.