Tungkol sa lungsod sa Pakistan ang artikulo na ito. Para sa lungsod sa India, tingnan ang Hyderabad, India. Para sa other uses, tingnan ang Hyderabad (paglilinaw).
Ipinangalan ang lungsod bilang parangal kay Ali,[3] ang ikaapat na kalip at pamangkin ni Propeta Muhammad. Ang pangalan ng lungsod ay literal na masasalin bilang "Lungsod ng Leon" - mula haydar na nagngangahulugang "leon," at ābād na isang hulapi na nagpapahiwatig ng isang pamayanan. Ibinabanggit ng "leon" ang kagitingan ni Ali sa labanan,[4] at siya ay kadalasang itinuturing bilang Ali Haydar, nagngangahulugang "Ali ang Pusong-Leon," ng mga Muslim ng Timog Asya.
Tahanan ang Hyderabad ng 1,732,693 katao sang-ayon sa Senso ng Pakistan (2017).[7] Nakakuha ng 565,799 na mga residente ang Hyderabad mula noong Senso 1998, at kumakatawan sa 48.5% pagtaas - ang pinakamababang reyt ng paglaki sa sampung pinakamalaking mga lungsod ng Pakistan.[8]