Ang Multan (مُلتان ; [mʊltaːn] ( pakinggan)) ay isang lungsod at kabesera ng Dibisyong Multan na matatagpuan sa Punjab, Pakistan. Matatagpuan sa pampang ng Ilog Chenab, ang Multan ay ang ikapitong pinakamalaking lungsod ng Pakistan at ang pangunahing sentrong pangkultura at pang-ekonomiya ng katimugang Punjab.[6][7]
Ang kasaysayan ng Multan ay umaabot hanggang sa sinaunang panahon. Ang sinaunang lungsod ay kinalalagyan ng kilalang Templo sa Araw ng Multan, at kinubkob ni Alejandro ang Dakila habang nasa Kampanyang Malli.[8] Ang Multan ay isa sa pinakamahalagang sentro ng pangangalakal ng medyebal na Islamikong India,[9] at inakit ang maraming mistikong Sufi noong ika-11 at ika-12 siglo, na kinilala ang lungsod sa palayaw na Lungsod ng mga Santo. Ang lungsod, kasama ang kalapit na lungsod ng Uch, ay kilala sa maraming bilang ng dambanang Sufi na nagmula pa sa panahong iyon.
Tanawin
Ang tipolohiya ng lungsod ni Multan ay katulad ng ibang sinaunang lungsod sa Timog Asya, tulad ng Peshawar, Lahore, at Delhi–na lahat ay itinatag malapit sa isang pangunahing ilog, at may kasamang isang lumang lungsod na napapalibutan ng pader, pati na rin ang isang maharlikang kuta.[10] Kaiba sa mga lungsod na iyon, wala na ang maharlikang kuta ng Multan, dahil ito ay higit na winasak ng Briton noong 1848, na kung saan ay negatibong nakaapekto sa pagkakahabi ng lungsod.[10]
Ang mga lumang tahanan ng kapitbahayan ni Multan ay nagpapakita ng mga salik ng mga Muslim hinggil sa pagkapribado, at depensa laban sa malupit na klima ng lungsod.[10] Ang morpolohiya ng lunsod ay nailalarawan sa mga maliit at pribadong cul-de-sac na sumasanga sa mga bazaar at mas malalaking mga ugat.[10]
Ang isang natatanging estilo ng arkitekturang Multani ay nagsimulang mag-ugat noong ika-14 na siglo sa pagtatatag ng mga monumento ng libing,[10] at nailalarawan sa pamamagitan ng malalaking pader ng ladrilyo na pinalakas ng mga kahoy na angkla, na may mga paloob na bubong.[10] Ang arkitekturang panlibing ay makikita rin sa mga tirahan ng lungsod, na humiram ng mga elemento ng arkitektura at dekorasyon mula sa mga mausoleo ng Multan.[10]
Mga sanggunian