Heneral, punong kumander ng sandatahang lakas ng mga Kartago
Labanan/digmaan
Ikalawang Digmaang Puniko: Labanan sa Lawa ng Trasimene, Labanan sa Trebia, Labanan sa Cannae, Labanan sa Zama
Si Hannibal, anak ni Hamilcar Barca,[n 1] karaniwang kilala bilang Hannibal (248–183 o 182 BK)[n 2][2][3][4][5] ay isang Kartagong pinuno at taktiko ng militar na popular na kinikilala bilang isa sa mga pinakatalentadong kumander sa kasaysayan. Isang namumunong kumander ng mga Kartago ang kanyang amang si Hamilcar Barca noong panahon ng Unang Digmaang Puniko. Sina Mago at Hasdrubal ang kanyang mga nakakabatang kapatid, at bayaw siya ni Hasdrubal ang Bello. Nabuhay si Hannibal sa panahon ng tensiyon sa Mediteranyo, nang naitatag ng Roma (Republika ng Romano noon) ang pangingibabaw nito sa ibang malalaking kapangyarihan katulad ng Kartago, at ang Helenistikong kaharian ng Masedonya, Syracuse, at ang imperyong Seleucid. Isa sa mga sikat na natamo niya ang pasiklab ng Ikalawang Digmaang Puniko nang nagmartsa siya ng isang sandatahang lakas, na kabilang ang mga elepanteng pandigma, mula Iberia sa ibayo ng Pyrenees at ang Alpes hanggang sa hilagang Italya. Sa kanyang ilang taon sa Italya, nanalo siya ng tatlong dramatikong tagumpay sa Trebia, Trasimene at Cannae at nagkaroon ng ilang Romanong kakampi. Bagaman, pagkalipas ng 17 taon, isang kontra-sakop na sinagawa ng mga Romano sa Hilagang Aprika ang nagpilit sa kanyang bumalik sa Kartago, kung saan natalo siya ni Scipio Africanus sa Labanan sa Zama. Pinag-aralan ni Scipio ang mga taktika ni Hannibal, at sariling lumikha ng ilan, na ginamit niya upang ilabas si Hasbrubal sa labas ng Espanya, at sa kalaunan, talunin ang kanyang guro sa militar, si Hannibal, sa Zama.
Mga sanggunian
↑Ameling, Walter Karthago: Studien zu Militär, Staat und Gesellschaft p.81-82
↑Mary Macgregor. "The Death of Hannibal". The Story of Rome. {{cite book}}: |access-date= requires |url= (tulong); |archive-url= requires |url= (tulong); External link in |chapterurl= (tulong); Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)