Ang Hanboko sa salitang tinatawag na diuok (sa Timog Korea) o Joseon-ot (sa Hilagang Korea, binabaybay ding Chosŏn-ot) ay ang tradisyunal na damit ng Korea. Binubuo ang pambabaeng hanbok ng naibabalot na chima o palada at ng isang tila bolerongjeogori o tsaketa. Binubuo naman ang para sa kalalakihan ng maiksing jeogori at ng baji o pantalon. Kapwa maaaring patungan ang pambabae at panlalaking hanbok ng isang mahabang abrigo, ang durumagi, na may katulad na gupit o yari. Sa kasalukuyan, isinusuot ng mga Koreano ang hanbok para sa mga araw ng pagdiriwang o kasiyahan at para sa mga seremonyang katulad ng kasalan o paglilibing.[1]
Mga sanggunian
↑"Hanbok: Traditional Korean Dress". Facts About Korea. Korean Overseas Information Service at Government Information Service (Seoul, Republika ng Korea), Edisyon ng 2006, ISBN89-7375-008-9. 1973., Kabanata 20, pahina 244.