Grasya

Ang grasya (Ingles: grace, mercy[1]) ay ang pagpapakita o pagpapamalas ng pagkaayaw o pagkadisgusto at kabutihang loob sa isang tao na hindi naman karapat-dapat na tumanggap nito. Ang grasyang mula sa Diyos ang pinakagitna o "puso" ng mensahe ng Bibliya, na nagpaparating na minamahal at inililigtas ng Diyos ang mga tao kahit na lumalaban sila sa kanya.[1] Kasingkahulugan ito ng kabaitan, kabutihan, kagandahang loob, habag, awa, pang-unawa, pabor, tulong, indulhensya, patawad o pagpapatawad, bagay na hulog o dulot ng langit, pagpapala, pagkasi, biyaya, o pagkandili ng Diyos.[2] Katumbas din ito ng kabutihang loob, kagandahang palad, katighawan ng paghihirap, luwag, at klemensya.[2] Nangangahulugan din itong pagtanggap ng kagandahang loob at kapatawaran na higit pa sa naaangkop o nararapat para sa isang tao.[1] Kaugnay din ito ng salitang benigno (kagandahang-loob) na nangangahulugang mabait, nakabubuti, mayumi, maamo, may maamong-loob, mahabagin, maawain, at kaaya-aya.[2][3] Tumutukoy din ang grasya sa isang uri ng dasal na paghingi ng biyaya o pagpapala ng Diyos bago kumain o panalangin ng pasasalamat sa Diyos pagkaraang makakain. Ang ganitong dalangin ay bahagi ng tradisyong rabinikal na kailangan ayon sa Deuteronomio 8:10 sa Lumang Tipan ng Bibliya. Inako ng sinaunang mga Kristiyano ang kaugaliang ito.[4]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 The Committee on Bible Translation (1984). "Grace, mercy". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B4 at B7.
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Grace, mercy; benign, benigno, at iba pa - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Blake, Matthew (2008). "Benign, kagandahang-loob, maamong-loob, maawain, mahabagin". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., makikita sa Benign Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  4. "Grace". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa G, pahina 456.