Ang German Shepherd (Aleman: Deutscher Schäferhund, Espanyol: Pastor alemán o ovejero alemán, Tagalog: Pastol na Aleman(?) o Alemang Pastol(?)) ay isang lahi ng mga malalaking aso na nagmula mismo sa Alemanya. Sa Ingles, opisyal na kinilalang pangalan ang German Shepherd Dog (pinaikli bilang GSD), at dati ito kilala sa Britanya bilang Alsatian (Espanyol: Alsaciano) o Alsatian Wolf Dog.[1]