Si George MacDonald(Disyembre 10, 1824 – Setyembre 18, 1905) ay isang Eskoses na may-akda, makata, at Kristiyanong ministro. Siya ay isang nangungunang pigura sa larangan ng modernong panitikang pantasya at ang mentor ng kapuwa manunulat na si Lewis Carroll. Bilang karagdagan sa kaniyang mga kuwentong bibit, nagsulat si MacDonald ng ilang mga gawa ng teolohiyang Kristiyano, kabilang ang ilang mga koleksiyon ng mga sermon.
Sinulat ni C. S. Lewis na itinuring niya si MacDonald bilang kaniyang "master": "Pagkuha ng kopya ng Phantastes isang araw sa isang estamte ng mga libro sa estasyon ng tren, nagsimula akong magbasa. Pagkalipas ng ilang oras, alam kong nakatawid na ako sa isang malaking hangganan." Binanggit ni G. K. Chesterton ang The Princess and the Goblin bilang isang aklat na "nakagawa ng pagbabago sa buong buhay ko".[4]
Maging si Mark Twain, na sa una ay hindi nagustuhan si MacDonald, ay naging kaibigan niya, at may ilang ebidensya na si Twain ay naimpluwensyahan niya.[5] Ang Kristiyanong may-akda na si Oswald Chambers ay sumulat sa kanyang "Christian Disciplines" na "ito ay isang kapansin-pansing indikasyon ng kalakaran at kababawan ng modernong pagbabasa ng publiko na ang mga aklat ni George MacDonald ay labis na napabayaan".[6]
↑ Naglalaman ang artikulo na ito ng sinalin na tekso mula sa orihinal na tekso na isang malayang gawang nilalaman. Nakalisensya sa ilalim ng CC-BY-SA 3.0 (pahayag ng lisensya/permiso). Kinuha ang teksto mula sa Biography of MacDonald, PoemHunter.com.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023)