Mark Twain
Kapanganakan 30 Nobyembre 1835[ 1]
(Monroe County, Missouri , Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan 21 Abril 1910[ 1]
(Western Connecticut Planning Region, Connecticut , Estados Unidos ng Amerika)
Mamamayan Estados Unidos ng Amerika Trabaho mamamahayag, nobelista, awtobiyograpo, guro, children's writer, travel writer, manunulat ng science fiction, manunulat, prosista, publisista Anak Susy Clemens , Clara Clemens , Jean Clemens Magulang John Marshall Clemens Jane Lampton Clemens Pamilya Orion Clemens
Si Samuel Langhorne Clemens (30 Nobyembre 1835 – 21 Abril 1910),[ 2] na mas kilala sa kanyang sagisag-panulat na Mark Twain , ay isang Amerikanong may-akda at humorista . Higit na kinikilala si Twain dahil sa kanyang mga nobela sa wikang Ingles na Adventures of Huckleberry Finn , na malaon nang tinaguriang Dakilang Nobelang Amerikano ,[ 3] at The Adventures of Tom Sawyer . Malawakan sinisipi ang kanyang mga panulat at pananalita.[ 4] [ 5] Sa kahabaan ng kanyang buhay, naging kaibigan si Twain ng mga pangulo , mga artista ng sining, mga industriyalista, at maharlikang Europeo.
Nagtamasa si Twain ng matinding katanyagan mula sa madla. Dahil sa kanyang masinsing katalinuhan at matalas na satiro o panunuya , nagkamit siya ng papuri mula sa mga manunuri at mga kasama. Tinawag siya ni William Faulkner bilang "ang ama ng panitikang Amerikano ".[ 6]
Mga sanggunian
International National Academics Artists People Other
Ang lathalaing ito ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.