Francesco Borromini

Francesco Castelli
Si Francesco Borromini.
Kapanganakan25 Setyembre 1599(1599-09-25)
Kamatayan3 Agosto 1667(1667-08-03) (edad 67)
Kadalubhasaan/KasanayanFrancesco Borromini
Mga gusaliSan Carlo alle Quattro Fontane, Sant'Agnese in Agone, Sant'Ivo alla Sapienza, Oratorio dei Filippini

Si Francesco Borromini, na ang palayaw ay Francesco Castelli (25 Setyembre 1599 – 3 Aogsto 1667), ay isang arkitekto mula sa Ticino[1] na, sa piling ng kaniyang mga kasabayan na sina Gian Lorenzo Bernini at Pietro da Cortona, ay naging isang nangungunang tao o pigura na nagtampok ng arkitekturang Barok na Romano.

Isang masigasig na estudyante ng arkitektura ni Michelangelo at ng mga guho ng Sinaunang Kasaysayan, nakapagpaunlad si Borromini ng isang maimbento at katangi-tanging, na maaaring tila idiyosinkratikong arkitekturang ginagamitan ng mga manipulasyon ng Klasikal na mga hubog na pang-arkitektura, mga rasyunal (makatwirang paliwanag) na pangheometriya sa kaniyang mga plano at masimbolong mga kahulugan sa kaniyang mga gusali. Siya ay tila nagkaroon na ng isang tunay na pagkakaunawa ng mga kayarian (istruktura), na marahil wala sina Bernini at Cortona na kapwa pangunahing may kasanayan sa iba pang mga pook ng sining na biswal (pampaningin). Ang kaniyang mga guhit na ginamitan ng malambot na tingga (ginamitan ng lapis na may soft lead) ay partikular na katangi-tangi. Lumilitaw na siya ay tila isang paham (iskolar) na nagturo at nagsanay ng sarili, na nakapag-ipon ng isang malaking aklatan sa pagsapit ng wakas ng kaniyang buhay.

Ang kaniyang larangan ay naampat ng kaniyang personalidad (katauhan). Hindi katulad ni Bernini na madaling umako sa balabal ng kahali-halinang pagdiga (pagligaw) sa kaniyang paghabol ng mahahalagang mga kumisyon, si Borromini ay kapwa mayroong kaloobang melankoliko (malumbay) at ugali na madaling mag-init ang ulo (madaling magalit) na nagresulta sa kaniyang pag-ayaw mula sa ilang mga patrabaho,[2] at ang kaniyang kamatayan ay dahil sa pagpapatiwakal.

Marahil dahil ang kaniyang gawain ay idiyosinkratiko, ang kaniyang impluwensiya pagdaka ay hindi naging malawak, bagkus ay lantad sa mga akdang Piedmontes ni Camillo-Guarino Guarini at, bilang pagsasanib ng mga modang pang-arkitekto nina Bernini at Cortona, noong hulihan ng arkitekturang Barok (Baroque) ng Hilagang Europa.[3] Ang mas pambandang huli na mga manunuri ng Barok, katulad ni Francesco Milizia at ng arkitektong Ingles na si Sir John Soane, ay partikular na mapagsuri ng mga gawa ni Borromini. Magmula sa hulihan ng ika-19 na dantaon at pasulong, nagkaroon ng muling pagtuon sa mga akda ni Borromini at ang kaniyang arkitektura ay naging pinahahalagahan dahil sa pagiging mapanlikha ng mga ito.

Mga sanggunian

  1. "Francesco Borromini." Encyclopædia Britannica. Web. 30 Oktubre 2010.
  2. Blunt, Anthony (1979), Borromini, Harvard University Press, Belknap, p. 21
  3. Blunt,(1979), p. 213-7