Ang feng shui (/ˈfʌŋˌʃuːi/[1] o /ˌfʌŋˈʃweɪ/[2]), minsan tinatawag na heomansiyang Tsino, ay isang tradisyonal na anyo ng heomansiya na nagmula sa Sinaunang Tsina at nag-aangkin ng paggamit ng mga maenerhiyang puwersa upang isaarmonya ang mga indibidwal sa kanilang kapaligiran. Ang literal na kahulugan ng feng shui ay "hangin-tubig" (i.e. likido). Mula noong sinaunang panahon, ipinapalagay na nagdidirekta ang mga tanawin at anyong tubig sa daloy ng unibersal na Q i– "kosmikong agos" o enerhiya – sa pamamagitan ng mga lugar at istruktura. Kung palalawakin pa, kabilang sa feng shui ang mga dimensyong astronomikal, astrolohikal, arkitektural, kosmolohikal, heograpikal, at topograpikal.[3][4]
Sa kasaysayan, pati na rin sa maraming bahagi ng mundong Tsino sa kasalukuyan, ginamit ang feng shui upang pumili ng oryentasyon ng mga gusali, tirahan, at mga istraktura na may espirituwal na kahalagahan tulad ng mga puntod. Isinulat ng isang iskolar na sa mga kontemporaryong Kanluraning lipunan, gayunpaman, "madalas nagagamit lang ang feng shui sa disenyong panloob para sa kalusugan at kayamanan. Lalo itong nakikita sa pamamagitan ng mga 'kasangguni sa feng shui' at mga arkitekto na naniningil ng maraming pera para sa kanilang pagsusuri, payo at disenyo."[4]
Naituring ang feng shui bilang di-makaagham at seudosiyentipiko ng mga siyentipiko at pilosopo,[5] at nailarawan ito bilang paradigmatikong halimbawa ng seudosiyensiya.[6] Nagpapakita ito ng ilang klasikong seudosiyentipikong aspeto, tulad ng pag-aangkin tungkol sa paggana ng mundo na hindi katanggap-tanggap sa pagsusuri gamit ang pamamaraang makaagham.[7]
↑ 4.04.1Komjathy, Louis (2012). "Feng Shui (Geomancy)" [Feng Shui (Heomansiya)]. Sa Juergensmeyer, Mark; Roof, Wade Clark (mga pat.). Encyclopedia of Global Religion [Ensiklopedya ng Pandaigdigang Relihiyon] (sa wikang Ingles). Bol. 1. Los Angeles, CA: SAGE Reference. pp. 395–396.
↑Matthews, Michael R. (2018). "Feng Shui: Educational Responsibilities and Opportunities" [Feng Shui: Mga Responsibilidad at Oportunidad sa Pagtuturo]. Sa Matthews, Michael R. (pat.). History, Philosophy and Science Teaching: New Perspectives [Pagtuturo sa Kasaysayan, Pilosopiya at Agham: Mga Bagong Pananaw]. Science: Philosophy, History and Education (sa wikang Ingles). Cham, Switzerland: Springer. p. 31. ISBN978-3-319-62616-1.