Estasyon ng R. Papa

R. Papa
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong R. Papa
Pangkalahatang Impormasyon
Lokasyon3405 Karugtong ng Abenida Rizal pgt. Kalye Ricardo Papa, Brgy. Obrero, Tondo, Maynila 1013
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNakaangat
Ibang impormasyon
KodigoRP
Kasaysayan
NagbukasMayo 12, 1985
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Estasyong R. Papa ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong R. Papa. Nagsisilbi ang estasyon sa distrito ng Tondo at matatagpuan ito sa Karugtong ng Abenida Rizal sa Barangay Obrero, Tondo. Ito ang unang estasyon sa Karugtong ng Abenida Rizal pahilaga at ang huling estasyon sa lungsod ng Maynila bago makapasok ng Caloocan.

Nagsisilbi bilang pang-limang estasyon ang estasyong R. Papa para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Dr. Santos at pang-dalawamput-isang estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr..

Ipinangalan ang estasyon mula sa Kalye Ricardo Papa, na ipinangalan naman mula kay Heneral Ricardo Papa, Sr., na puno ng pulisya ng Maynila noong dekada-1960.[1]

Mga kalapit na palatandaang pook

Malapit ang estasyon sa Sementeryong Tsino ng Maynila katulad ng estasyong Abad Santos ng LRT. Malapit din ito sa St. Pancratius Chapel at lumang Simbahan ng La Loma sa Sementeryong Katoliko ng La Loma, Mababang Paaralan ng Barrio Obrero at Mababang Paaralan ng Marulas sa kalapit na Maypajo, Caloocan.

Mga kawing pangpanlalakbay

Maaaring kumuha ng mga dyipni o taksi ang mga mananakay papuntang estasyong R. Papa. Humihinto rin malapit sa estasyon ang mga bus na dumadaan sa ruta ng Abenida Taft. May mga masasakay na traysikel sa labas ng estasyon.

Pagkakaayos ng Estasyon

L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan Sementeryong Tsino

Mga sanggunian

  1. "Sino nga ba si 'R. Papa' sa LRT station sa Maynila?". GMA News. Nakuha noong 4 Abril 2019.

14°37′50.31″N 120°58′53.03″E / 14.6306417°N 120.9813972°E / 14.6306417; 120.9813972