Ang eksperimento sa saranggola ay isang eksperimentong siyentipiko na iminungkahi at pagdaka ay isinakatuparan ni Benjamin Franklin na may pagtulong ng kaniyang anak na lalaking si William Franklin. Ang layunin ng eksperimento ay ang malaman ang noon ay hindi pa nalalamang mga katangian ng kidlat at ng kuryente.
Ang eksperimento
Noong 1752, nagsagawa si Benjamin Franklin, isang dalub-agham at politiko sa Estados Unidos, ng isa sa pinakamapanganib na mga eksperimentong naisakatuparan, sapagkat ang ibang nagsagawa nito ay namatay habang ginagawa ang pag-eeksperimento. Nagpalipad siya ng isang saranggola habang nagaganap ang isang bagyo. Layunin ng eksperimentong ito ang maipakita na ang kidlat ay isang uri ng kuryente (elektrisidad). Nais patunayan ni Franklin na ang mga ulap ng bagyo ay naglalaman ng matataas na mga karga ng kuryente, na isang katotohanan na napatunayan niya sa pamamagitan ng paglikha ng dagitab (diklap o kisap) magmula sa dulo ng tali na nakakabit sa saranggola. Dahil sa eksperimentong ito, naunawaan ni Franklin kung paano nagkakakidlat. Kung kaya't pagkatapos ng eksperimentong ito ay naimbento niya ang konduktor ng kidlat at nalaman din niya na ang isang karga ng kuryente ay maaaring maging positibo o kaya ay negatibo.[1]
Mga sanggunian
↑Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO FLEW A KITE IN A THUNDERSTORM?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN0671604767., pahina 48.