Ebanghelyo ni Felipe

Ang Ebanghelyo ni Felipe ay isa sa mga ebanghelyong gnostiko na teksto ng apokripa ng Bagong Tipan. Ito ay nawala sa mga modernong mananaliksik hanggang sa ito'y madiskubre sa Aklatang Nag Hammadi sa Ehipto noong 1945.[1] Ang tekstong ito ay walang kaugnayan sa apat na kanonikal na ebanghelyo o sa Ebanghelyong Hebreo. Bagaman ang ebanghelyong ito ay sa simula katulad ng Ebanghelyo ni Tomas, ito ay hindi isang ebanghelyo ng mga kasabihan ngunit isang kalipunan ng mga katuruan at pagninilay nilay na gnostiko na isang antolohiyang gnostiko. Ito ay itinuturing na teksto ng Valentinianismo.[2] Ang mga sakramento partikular na ang sakramento ng kasal ay isang pangunahing tema dito. Ang tekstong ito ay marahil pinakakilala bilang isang nakapamaagang sanggunian para sa teoriyang kilala na si Hesus ay ikinasal kay Marya Magdalena. Hayagang isinaad sa manuskritong Sinaunang Griyego nito na si Marya Magdalena ang koinos(kasama) ni Hesus at nagpapahiwatig ng isang posibleng seksuwal at isang napakalapit na relasyon.[3][4] Bagaman ang orihinal na teksto nito ay nawawala sa mga kasulatang papyrus na natuklasan, ang ilang mga salin ay nagpuno sa puwang na nagmumungkahi na "minahal ni Hesus si Marya Magdalena ng higit sa lahat ng mga alagad at dating kadalasang hinahalikan siya sa bibig".[5] Ang tekstong ito ay hindi nag-aangkin na hayagang nagmula Felipe ngunit ito ay katulad ng apat na kanonikal na ebanghelyong Mateo, Marcos, Lucas at Juan na hindi rin hayagang nag-aangkin ng may akda nito. Ang mga pangalang ito ay kalaunan lang idinagdag ng simbahan sa mga manuskrito nito. Ang Ebanghelyo ni Felipe ay isinulat sa pagitan ng 150 CE at 300 CE.[6]

Mga sanggunian

  1. "Rivals of Jesus," National Geographic Channel (2006).
  2. Marvin Meyer, Esther A. De Boer, The Gospels of Mary: The Secret Tradition of Mary Magdalene, the Companion of Jesus, pp. 36-7 (HarperCollins, 2004) ISBN 978-0-06-083451-7
  3. Jane Schaberg (31 August 2004). The Resurrection of Mary Magdalene: Legends, Apocrypha, and the Christian Testament. Continuum International Publishing Group. pp. 152–. ISBN 978-0-8264-1645-2. Nakuha noong 15 November 2012.
  4. Lynn Picknett; Clive Prince (11 November 2008). The Masks of Christ: Behind the Lies and Cover-ups About the Life of Jesus. Simon and Schuster. pp. 171–. ISBN 978-1-4165-3166-1. Nakuha noong 15 November 2012.[patay na link]
  5. "Rivals of Jesus," National Geographic Channel (2006)
  6. Ehrman, Bart (2003). Lost Christianities. New York: Oxford University Press. pp. xi–xii.