Ang Cogoleto (Ligurian: Cogoeuo) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Genova, rehiyon ng Liguria, hilagang-kanlurang Italya, na matatagpuan mga 25 kilometro (16 mi) sa kanluran ng Genova. Ang teritoryo nito ay umaabot mula sa dagat hanggang sa Apeninong Ligur; ito ay bahagi ng Pangkalikasang Liwasang Rehiyonal ng Monte Beigua.
Kasaysayan
Ang lugar ng Cogoleto ay kinilala sa Romanong Mesang Peutingeriana bilang Hasta, na may isang tulay (nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng mga pambobomba ng Alyado) na umiiral dito. Ang unang pagbanggit sa bayan ay nagsimula noong 1039, at noong 1091 ay isinama ito sa Markesado of Savona ni Bonifacio del Vasto. Noong 1343 ito ay nakuha ng Republika ng Genova.
Noong Abril 11, 1800 ito ang tagpuan ng isang labanan sa pagitan ng mga hukbong Pranses at Austriako. Ang Cogoleto ay naging bahagi ng Kaharian ng Cerdeña noong 1815, kasunod ng kasaysayan nito sa pag-iisa ng Italya at modernong kasaysayan ng Italya.
Mga kakambal na bayan
Mga kilalang mamamayan
Si Cogoleto ay kilala sa mga Italyanong mga rapper na sina Tedua at Izi.
Mga sanggunian