Ang Castelfranco in Miscano ay isang komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Benevento sa rehiyon ng Campania ng Italya, na matatagpuan mga 90 km hilagang-silangan ng Napoles at mga 30 km hilagang-silangan ng Benevento.
Isa itong pamayanang bulubunduking agrikultural na nasa tabi ng mga Apenino at kilala sa caciocavallo nito, isang tipikal na Italyanong keso. Ang pinakamalaking mudpot sa mga Katimugang Apenino, katulad ng Bolle della Malvizza [it] (mga Bulang Itim na Ibon sa diyalektong Irpino), ay makikita sa kahabaan ng kalsada na patungo sa nayon.[5]
Ang Castelfranco in Miscano ay bahagi ng Katoliko Romanong Diyosesis ng Ariano Irpino-Lacedonia at ang hangganan nito ay sa mga sumusunod na munisipalidad: Ariano Irpino, Faeto, Ginestra degli Schiavoni, Greci, Montecalvo Irpino, Montefalcone di Val Fortore, at Roseto Valfortore.
Mga sanggunian