Ang Airola ay isang komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Benevento sa rehiyon ng Campania ng Italya, na matatagpuan mga 35 km hilagang-silangan ng Napoles at mga 20 km timog-kanluran ng Benevento sa Valle Caudina, nakaharap sa Monte Taburno. Sa malapit ay ang pagsasama-sama ng sapa ng Tesa at Faenza sa Ilog Isclero. Ang teritoryo ng Airola ay tinatawid din ng Acquedotto Carolino, na nagdadala ng tubig sa Palasyo ng Caserta.
Mga pangunahing tanawin
- Simbahan ng Annunziata (ika-14-15 siglo), na may retablo ng Pagpapahayag. Ang kampanilya ay mula 1735. Ang ika-18 siglong patsada ay idinisenyo ni Luigi Vanvitelli.
- Kastilyong Lombardo
- Simbahan ng San Gabriele sa Monte Oliveto
- Simbahan ng Santa Maria dell'Addolorata (ika-14 na siglo, ipinanumbalik noong ika-18 siglo)
- Simbahan ng San Michele (ika-16 na siglo)
- Palazzo Montevergine, na itinayo noong 1606 ng mga Benedictino ng Montevergine.
- Ika-17 siglong mga simbahan ng San Donato at San Carlo
Mga sanggunian
Mga panlabas na link