Ang Castel Sant'Elia (lokal na Castello) ay isang komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Viterbo sa rehiyon ng Lazio ng Gitnang Italya, na matatagpuan mga 40 kilometro (25 mi) hilaga ng Roma at mga 30 kilometro (19 mi) timog-silangan ng Viterbo.
Mga pangunahing tanawin
Ang pangunahing atraksiyon ng Castel Sant'Elia ay ang Basilika ng Sant'Elia o Sant'Anastasio, isang medyebal na simbahan na itinayo, ayon sa tradisyon, sa isang sinaunang templo ng Diana. Ito ay itinayo noong 1120s at itinayo sa toba na may tatlong portada, lahat ay nililok nay may mga bulaklak, hayop, at napakalaking pigura. Binubuo ang loob ng isang nabe at dalawang pasilyo, na hinati sa mga muling ginamit na sinaunang haligi. Sa ilalim ng abside ay ang kripta, na naglalaman ng mga puntod nina San Anastasio at San Nonoso.
Sa malapit ay ang Santuwaryo ng Santa Maria ad Rupes, na mayroong lagusan na may 144 na hakbang na inukit ng kamay ng isang lokal na ermitanyo, isang pagsisikap na tumagal ng 14 na taon.
Mga sanggunian
Mga panlabas na link