Ang Campione d'Italia (Comasco: Campiùn, Padron:IPA-lmo) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Como, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya at isang engklabo na napapalibutan ng Suwisang canton ng Ticino (isa rin itong eksklabo). Sa pinakamalapit nito, ang engklabo ay wala pang 1 kilometro (0.6 mi) mula sa natitirang bahagi ng Italya, ngunit ang namamagitang bulubunduking lupain ay nangangailangan ng paglalakbay sa pamamagitan ng kalsada sa Suwisang pamayanan ng Bissone na mahigit 14 kilometro (9 mi) upang maabot ang pinakamalapit na bayan ng Italy, Lanzo d'Intelvi, at higit sa 28 kilometro (17 mi) upang maabot ang lungsod ng Como.
Kasaysayan
Noong unang siglo BK itinatag ng mga Romano ang garrison na bayan ng Campilonum upang protektahan ang kanilang mga teritoryo mula sa mga pagsalakay ng mga Helvetii.[4]
Noong 777, iniwan ni Toto ng Campione, isang lokal na panginoong Lombardo, ang kaniyang mana sa arsobispo ng Milan. Ang pagmamay-ari ay inilipat sa abadia ng Sant'Ambrogio. Noong 1512, ang nakapalibot na lugar ng Ticino ay inilipat mula sa pagmamay-ari ng obispo ng Como sa Suwisa ni Papa Julio II, bilang pasasalamat sa suporta sa Digmaan ng Banal na Liga. Gayunpaman, napanatili ng abadia ang kontrol sa kung ano ang ngayon ay Campione d'Italia at ilang teritoryo sa kanlurang pampang ng Lawa Lugano.[5]