Ang Cantù (bigkas sa Italyano: [kanˈtu]; Brianzöö: Cantuu [kãˈtyː]) ay isang lungsod at komuna sa Lalawigan ng Como, na matatagpuan sa gitna ng sona ng Brianza sa Lombardia. Ito ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Brianza.
Kasaysayan
Ang pangalan ay maaaring magmula sa Canturigi, isang populasyon ng Insubria noong ika-6 na siglo BK. Isang nayon ay itinatag dito ng mga Galo noong sumunod na siglo, na sinakop ng mga Romano noong 196 BK.
Sa Gitnang Kapanahunan ang Cantù ay pinaghidwaan sa pagitan ng mga lungsod ng Milan at Como. Ang mga Sforza ng Milan ang permanenteng kumontrol noong ika-15 siglo.
Mga sanggunian