Ang Cadeo (Piacentino: La Cadé o Cadé) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan ng Plasencia sa rehiyon ng Emilia-Romaña, hilagang Italya, na matatagpuan mga 130 kilometro (81 mi) hilagang-kanluran ng Bolonia at mga 14 kilometro (9 mi) timog-silangan ng Plasencia. Mayroon itong humigit-kumulang 5,600 na naninirahan. Ang pangalan ay nagmula sa Italyano, ibig sabihin ay "Bahay ng Diyos." Ito ay tumutukoy sa isang panahon kung kailan ang Cadeo ay isang hintuan o lazzaretto para sa mga Kristiyanong peregrino.[4] Ang larawan ng simbahan na kasama ng artikulong ito ay nasa Via Emilia sa Roveleto.
Ang Cadeo ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Carpaneto Piacentino, Cortemaggiore, Fiorenzuola d'Arda, at Pontenure. Ang Gusali ng Munsiipyo para sa Cadeo ay matatagpuan sa Roveleto, na nasa timog-silangan sa Via Emilia. Ang Roveleto ay ang lugar din ng pinakamalapit na estasyon ng riles sa Cadeo.
Kasaysayan
May balita hinggil sa Cadeo simula noong 1112 nang binuksan ng isang deboto na tinatawag na Ghisulfo o Gandolfo ang isang Hospitale na nakatuon sa mga peregrino patungo sa Roma.[5]