Burol Palatino

Tanaw ng Burol Palatino mula sa Circus Maximus.
Mapang iskematika ng Roma na ipinapakita ng Pitong Burol at ng Pader Severo
Plano ng Palatino na may mga modernong gusali na nakapatong
Mga palasyo sa Palatino
Burol Palatino mula sa Koliseo
Pinalawig ng matitikas na pader na nagpapanatili ang pook ng Palatino upang magamit sa complex ng mga palasyo ng imperyo.

Ang Burol Palatino, ( /ˈpælətn/; Latin: Collis Palatium or Mons Palatinus; Italyano: Palatino [palaˈtiːno]) ang pinakasentro sa Pitong Burol ng Roma, ay isa sa pinakasinaunang bahagi ng lungsod at tinawag na "unang nukleo ng Imperyong Romano."[1] Ang pook ngayon ay pangunahin isang malaking museong bukas habang ang Museo Palatino ay maraming labing nahukay rito at mula pa sa ibang sinaunang Italyanong pook.

Ang mga imperyal na palasyo ay itinayo rito, simula kay Augusto. Bago noong imperyo ay kinaroroonan ang burol ng mga bahay ng mayayaman.

Ang pangalan ng burol ay ang etimolohikal na pinagmulan ng salitang palasyo o palace sa Ingles, at mga kaugnay nito sa ibang wika (Griyego: παλάτιον, Italyano: palazzo, Pranses: palais, Espanyol: palacio, Portuges: palácio, Aleman: Palast, Tseko: palác, atbp.).[a][2]

Talababa

  1. The different spellings originate from the different languages that used the title throughout the ages (a phenomenon called lenition).

Mga sanggunian

  1. Merivale, Charles, A General History of Rome: from the Foundation of the City to the Fall of Augustulus, B.C. 753— A.D. 476. New York: Harper & Brothers (1880), p. 39.
  2. "Palace". From the Oxford English Dictionary