Bulakenyong Tagalog

Bulakenyong Tagalog
Bulakenyo
ᜊᜓᜎᜃᜒᜈ᜔ᜌᜓ
Katutubo saPilipinas
RehiyonBulacan
Mga natibong tagapagsalita
±2.5 Milyon (2020)
Latin (Tagalog o Alpabetong Pilipino);
Baybayin sa kasaysayan
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3
Glottologbula1275

Ang Bulakenyong Tagalog, Bulacan Tagalog o Bulakenyo ([bʊ.lɐˈxɛ.ɲo]), ay isang diyalekto ng Wikang Tagalog na sinasalita sa lalawigan ng Bulacan at sa ilang bahagi ng Nueva Ecija at Tarlac.[1] Kilala ito bilang isa sa baul ng kayamanan ng Wikang Tagalog sapagkat tinataglay pa nito ang ilang mga lumang salitang nilipasan na ng panahon sa Kalakhang Maynila gaya na lamang ng mga salitang kampit (kutsilyo), iwi (kalinga), pisaw (maliit na palakol), anluwage (karpintero), balisungsong (embudo), supil (panali ng buhok), matamis (asukal) at iba pa.[2][3]

Ang puntong Bulakenyong Tagalog ay kilala sa pagiging mahimig at melodiko nito. Bukod pa rito, mabilis ngunit klaro kung magsalita ang mga Bulakenyo dahil sa kahusayan nila sa pangungusap na may kaugnayan sa pamamaraan nila sa pananalumpati at pagtula. Sinasabing malaki ang naging impluwensiya ng Wikang Kapampangan sa Bulakenyong Tagalog.[4]

Ponolohiya

Sa pangkalahatan, ang Buluakenyong Tagalog ay may kaparehong ponolohiya sa Tagalog na sinasalita sa Maynila at iba pang mga diyalektong Tagalog. Ito ay may parehong 21 ponema (/p, b, t, d, k, g, Ɂ, h, s, m, n, ŋ, l, r, w, j, i, e, a, u, o/), mga diptonggo, at diin sa mga salita (na karaniwang nasa pinakahuling posisyon). Ang ilang mga pagkakataon, gayunpaman, ay nagpapakita ng natatanging pagkakaiba sa mga tuntunin ng punto o kung ano ang tinatawag na punto. Ang mga nagsasalita ng Bulakenyong Tagalog ay may posibilidad na magkaroon ng natatanging punto na iba sa mga kaswal na ginagamit ng mga Tagalog ng Maynila. Para sa mga taong nakakarinig sa mga taong ito na nagsasalita, mayroon talagang tiyak na pagtaas ng tono sa malumay ng huling salita ng pagbigkas ng mga tagapagsalita nito.[5]

Kapansin-pansin din ang pagtatanggal ng tunog gaya na lamang ng tunog na /m/ at /w/ sa mga piling bokabularyo at salita. Halimbawa, laang (lamang), marae (marami), nalaan (nalaman), nain (namin), ala (wala), eka (wika), anda (tanda), at iba pa.

Morpolohiya

Sa pangkalahatan, ang morpolohiya ng Bulakenyong Tagalog ay kapareho ng sa namamayaning Tagalog. Gayunpaman, mayroon din itong ilang mga katangian na tiyak na sarili nito. Isang halimbawa ay ang paggamit ng unlapi na 'ka-' na karaniwang ginagamit upang bigyan ang isang salita ng kahulugang pang-uri, ito ay maaaring ipamalit o maihambing sa diin na "ang" sa Tagalog na ginagamit sa Maynila. Halimbawa, kaganda, sa halip na "ang ganda", kasarap, sa halip na "ang sarap, kabaho, sa halip na "ang baho".

Bokabularyo

Kahalintulad sa Batangas Tagalog ginagamit din ang mga salitang ire/ere sa halip na "ito" at dine sa halip na "dito". Bukod dito ay ginagamit rin ang salitang kata, ito ay maihahambing sa salitang "tayo" ngunit ito ay limitado lamang sa dalawang nag-uusap.

Mga sanggunian

  1. About Bulacan, bulacan.gov.ph, nakuha noong 2023-12-17
  2. Lihan Dimagiba (2018), Bulakenyo Vocabularies Part 1: ‘ika Nga Namin sa Bulacan!, bulakenyo.ph, nakuha noong 2023-12-17
  3. Bulakenyo Vocabularies Part 2: ‘ika Nga Namin sa Bulacan!, bulakenyo.ph, 2020, nakuha noong 2023-12-17
  4. Edwin Camaya (2019), The Historical Indúng Kapampángan: Evidence from History and Place Names, sinupan.org, inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-01, nakuha noong 2023-12-17
  5. Vanessa P. Estraño (April 2013), Dialectology of Tagalog Bulacan, University of the Philippines Diliman, Quezon City, nakuha noong 2023-12-17{{citation}}: CS1 maint: year (link)