Ang Bayan ng Bulakan ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Matatagpuan ito sa layong 35 kilometro (22 milya) hilaga ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 81,232 sa may 20,746 na kabahayan.
Ang Bulakan na isa sa pinakamatandang mga bayan sa Pilipinas ay naging "encomienda" o kabisera ng Provincia de la Pampanga, at paglaon ay naging unang kabisera ng lalawigan ng Bulacan bago inilipat ito sa Malolos noong 1930, pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano. Sa bayang ito ipinanganak si Marcelo H. del Pilar, isang Pilipinong makabayan na naglimbag ng babasahing La Solidaridad. Dito rin ipinanganak ang kanyang pamangking si Gregorio del Pilar, isang Pilipinong Heneral noong himagsikan, at ni Soc Rodrigo, dating senador ng Pilipinas.
Kaugnay sa paggamit ng mga titik "c" o "k" upang itukoy sa bayan ng Bulakan, isinasaad sa Kabanata 2, Seksiyon 15 ng Bagong Panlalawigan na Kodigong Pampangasiwaan ng Bulacan (Ordinansa Blg. C-004) noong 2007 na ang salitang "Bulakan" ay tumutukoy sa bayan at ang unang kabisera ng lalawigan habang sa mismong lalawigan naman ang salitang "Bulacan."[3]
Mga Barangay
Ang bayan ng Bulacan ay nahahati sa 14 na mga barangay.
- Bagumbayan
- Balubad
- Bambang
- Matungao
- Maysantol
- Perez
- Pitpitan
- San Francisco
- San Jose (Pob.)
- San Nicolas
- Santa Ana
- Santa Ines
- Taliptip
- Tibig
Demograpiko
Senso ng populasyon ng
BulakanTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|
1903 | 11,589 | — |
---|
1918 | 10,423 | −0.70% |
---|
1939 | 11,931 | +0.65% |
---|
1948 | 13,242 | +1.17% |
---|
1960 | 18,395 | +2.78% |
---|
1970 | 26,750 | +3.81% |
---|
1975 | 28,361 | +1.18% |
---|
1980 | 34,920 | +4.25% |
---|
1990 | 48,770 | +3.40% |
---|
1995 | 54,236 | +2.01% |
---|
2000 | 62,903 | +3.23% |
---|
2007 | 72,289 | +1.94% |
---|
2010 | 71,751 | −0.27% |
---|
2015 | 76,565 | +1.24% |
---|
2020 | 81,232 | +1.17% |
---|
Sanggunian: PSA[4][5][6][7] |
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas