Ang Bayan ng Buenavista ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Guimaras, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 52,899 sa may 13,730 na kabahayan.
Ang bayan ay nagsisilbing murang daan sa pagitan ng Pulo ng Panay at Negros, kaysa sa pagsakay sa barko na direkta sa parehong mga pulo.
Mga Barangay
Ang bayan ng Buenavista ay nahahati sa 36 na mga barangay.
Agsanayan
Avila
Banban
Bacjao (Calumingan)
Cansilayan
Dagsa-an
Daragan
East Valencia
Getulio
Mabini
Magsaysay
Mclain
Montpiller
Navalas
Nazaret
New Poblacion (Calingao)
Old Poblacion
Piña
Rizal
Salvacion
San Fernando
San Isidro
San Miguel
San Nicolas
San Pedro
San Roque
Santo Rosario
Sawang
Supang
Tacay
Taminla
Tanag
Tastasan
Tinadtaran
Umilig
Zaldivar
Kasaysayan
Pinakamatandang bayan ng Guimaras ang bayan ng Buenavista. Naitatag ito noong 1775, noong panahon ng mga Kastila. Sinasabi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na isang kastilang gubernador heneral ang namangha as tanawin ng bayan, at tinawag ang pook ng lumang bayan na ito bilang "Buenavista" o "Magandang Tanawin" pag-sinalin.
Ang bayan na ito ay dating bahagi ng lalawigan ng Iloilo. Kasama ang bayan na ito sa Ikalawang Distrito ng Iloilo bago naging ganap na lalawigan ang Guimaras.
↑
Census of Population (2015). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)