Ang Birkbeck, Unibersidad ng Londres (Ingles: Birkbeck, University of London) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Bloomsbury, sa Londres, Inglatera, at isang bahaging kolehiyo ng federal na Unibersidad ng Londres.
Itinatag noong 1823 bilang ang London Mechanics' Institute ni Sir George Birkbeck, at mga tagasuporta nito, sina Jeremy Bentham, J. C. Hobhouse at Henry Brougham, ang Birkbeck ay naging isa sa ilang institusyon na nagpakadalubhasa sa panggabing (evening) mas mataas na edukasyon.
Ang Birkbeck ay nakapagprodyus ng maraming mga tanyag na alumni sa larangan ng agham, batas, pulitika, ekonomiya, panitikan, midya, sining at drama. Kabilang dito ang apat na Nobel laureates, maraming mga pampulitikang lider, miyembro ng Parlamento ng United Kingdom, at isang Punong Ministro ng Britanya.