Si Bertrand Arthur William Russell, ikatlong Earl Russell, OM, FRS (Mayo 18, 1872–Pebrero 2, 1970), ay isang pilosopo, dalubhasa sa kasaysayan, eksperto sa matematikal na lohika, tagataguyod ng repormang panlipunan at pasipista. Bagaman kadalasang tinuturing bilang isang Ingles, ipinangnak siya sa Wales. Isang mabungang manununulat, ginawa niyang tanyag ang pilosopiya at naging isang komentarista sa isang malawak na iba't ibang mga paksa. Pinagpapatuloy ang isang tradisyon ng pamilya sa mga bagay pampolitika, namamayani siya bilang isang aktibistang laban sa digmaan, pinagtatanggol ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa at kontra-imperyalismo.[1][2] sinulat niya ang sanaysay na On Denoting at kasamang may-akda (kasama si Alfred North Whitehead) ng Principia Mathematica, isang pagsubok na ipako ang matematika sa mga batas ng lohika. May malaking impluwensiya sa lohika, teoriyang tangka (set theory), linggwistika at pilosopiyang nagsusuri (analytic philosophy).
Mga sanggunian
↑Richard Rempel (1979). "From Imperialism to Free Trade: Couturat, Halevy and Russell's First Crusade". Journal of the History of Ideas. 40 (3): 423–443. doi:10.2307/2709246. {{cite journal}}: Italic or bold markup not allowed in: |journal= (tulong)
↑Bertrand Russell (1988) [1917]. Political Ideals. Routledge. ISBN 0-415-10907-8.