Si BB (Binibini) Gandanghari (minsa'y Bebe Gandanghari / Bb. Gandanghari, Gandanghari na pinagdikit na gandang hari (beautiful king)) (ipinanganak na Rustom Cariño-Padilla noong 4 Setyembre 1967) ay isang transekswal na Pilipinangaktres, modelo at nakatatandang kapatid nina Rommel at Robin Padilla at nakababatang kapatid ni Royette Padilla. Si Gandanghari, bilang Padilla, ay mas matatandaan bilang dating aktor ng mga maaksiyong pelikula at isang matinee idol. Di nagtagal matapos niyang ibunyag na siya ay isang transekswal (lalaki->babae)[1] at matapos bumalik mula sa Estados Unidos, pinalitan ni Padilla ang kanyang pangalan ng BeBe/Bb. Gandanghari[2], na pinaikling "Binibining Gandanghari" (lit. Miss Beautifulking), gayundin ang kanyang pisikal na kaanyuan at lahat nang magpapaalala kay Rustom Padilla, alinsunod na rin sa kanyang bagong pagkakakilanlan. Ang pangalang BeBe ay nagmula sa kanyang kasabihang, "Be all that you can be".
Buhay
Nagsimula si BB Gandanghari, sa showbis bilang isang matinee idol at di naglao'y bilang isang action star katulad ng kanyang mga kapatid. Dati siyang nakasal sa aktres na si Carmina Villaroel at nanguna sa palabas na may prangkisa na Wheel of Fortune sa ABC 5. Matapos ang kanyang pagiging punong-abala, umalis si Rustom ng Pilipinas at nag-aral ng paggawa ng pelikula sa US.
Isa siya sa labing-apat na mga kasambahay sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition. Noong 2 Marso 2006 nagladlad siya sa palabas sa pag-amin sa kasambahay na si Keanna Reeves na siya ay isang bakla[3] Sa ika-45 na araw ng kompetisyon, nagpasya si Rustom na boluntaryong lumabas ng bahay. Enero 2009, ibinunyag ni Padilla na siya ay isang transsekswal at kasalukuyang sumasailalim sa pagiging babae.[4]
Matapos lumabas na bakla, lumabas si Padilla sa pelikula na bersiyon ng komiks na Zsazsa Zaturnnah bilang isang bading na may-ari ng isang sa salon na si Ada (Adrian), ang alter eho ni Zsazsa Zaturnnah, sa serye sa TV na La Vendetta ng GMA 7 at pelikulang Happy Hearts bilang bading na ama ni Rayver Cruz. Kasama rin siya sa mga nagsiganap sa Eva Fonda ng ABS-CBN.