As Aventuras de Gui & Estopa

As Aventuras de Gui & Estopa
Kilala rin bilangGui & Estopa
UriKomedya
GumawaMariana Caltabiano
DirektorMariana Caltabiano
Bansang pinagmulanBrazil
WikaPortuges
Bilang ng season5
Bilang ng kabanata62
Paggawa
Oras ng pagpapalabas3-7 minuto
KompanyaMariana Caltabiano Produções
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanCartoon Network
Boomerang
Picture formatHDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawidAbril 26, 2008 (Abril 26, 2008) –
kasalukuyan
Website
Opisyal

Ang As Aventuras de Gui & Estopa[1] (kilala din bilang Gui & Estopa) ay seryeng animayong naka-Flash na nilikha ni Mariana Caltabiano, at pinalabas sa Cartoon Network Brazil.[2] Orihinal na nilikha ang mga karakter para sa websayt na pambatang may pangalang Iguinho noong 1996, na pinabuti ang kartun sa pagdaan ng panahon.

Isang satira ang serye ng ilang mga kartun sa popular na kultura, kabilang ang mga orihinal na palabas ng Cartoon Network, sa pamamagitan ng slapstick o saynete at komedyamg kalokohan. Umere din ang palabas sa Boomerang at Tooncast sa Amerikang Latino.

Mga tauhan

  • Gui "Iguinho" – (Boses ni: Mariana Caltabiano) isang batang West Highland White Terrier (isang lahi ng aso).[3]
  • Estopa – (Boses ni: Eduardo Jardim) isang matabang aso. Siya ang matalik na kaibigan ni Gui.
  • Cróquete Spaniel – (Boses ni: Mariana Caltabiano) isang kayumangging English Cocker Spaniel (isang lahi ng aso). Siya ang kasintahan ni Gui.
  • Pitiburro – (Boses ni: Eduardo Jardim) isang beige o murang kayumunging pit bull (isang lahi ng aso).
  • Dona Iguilda – (Boses ni: Mariana Caltabiano) isang West Highland White Terrier. Siya ang ina ni Gui.
  • Fifivelinha – (Boses ni: Mariana Caltabiano) isang batang babae.
  • Ribaldo "Riba" – (Boses ni: Arly Cardoso) isang daga.
  • Róquete Spaniel – (Boses ni: Mariana Caltabiano) isang spaniel (isang lahi ng aso).
  • Professora Jararaca – isang berdeng ahas.
  • Pitibela – isang pit bull. Siya ang kasintahan ni Pitiburro.
  • Pitbalinha – isang maliit na pit bull. Siya ang nakababatang kapatid ni Pitiburro.
  • Jaiminho – isang baboy.
  • Nerdson – isang batang lalaki. Siya ang kapitbahay ni Gui.
  • Irmãozão – isang malaking at malakas na aso.
  • Justin Bibelô – isang dilaw na ibon.
  • Lívia – isang kulay-balat na aso.

Mga sanggunian

  1. "As Aventuras de Gui & Estopa".
  2. Redação (2009-07-13). "Cartoon Network estreia "Gui & Estopa", de Mariana Caltabiano". TELA VIVA News (sa wikang Portuges). Nakuha noong 2023-04-21.
  3. "Mande a foto do seu "Iguinho"" (sa wikang Portuges). iG São Paulo – Redação. 21 August 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Abril 2016. Nakuha noong 3 Abril 2015.