Kabilang sa mga mahahalagang kaganapan ang muling pagsasama ng Alemanya at pagkakaisa ng Yemen,[1] ang pormal na simula ng Proyektong Henoma ng Tao (natapos noong 2003), ang paglunsad ng Teleskopyong Pangkalawakang Hubble, ang paghiwalay ng Namibia mula sa Timog Aprika, at ang pagdedeklera ng mga estadong Baltiko ng kalayaan mula sa Unyong Sobyet sa gitna ng Perestroika. Gumuho ang rehimeng komunista ng Yugoslavia sa gitna ng tumataas na mga panloob na tensyon at maramihang partidong eleksyon na ginawa sa mga nasasakupang republika na nagresulta sa mga pamahalaang hiwalay na mahalal sa karamihan ng mga republika na sinimulan ang pagkalas ng Yugoslavia. Nagsimula din sa taon na ito ang krisis ng nagdulot sa Digmaang Gulpo noong 1991 kasunod ng pagsakop ng Iraq at malawakang internasyunal na hindi pagkilala sa pag-okupa ng Kuwait. Nagresulta ang pag-okupa na ito ng isang krisis sa Gulpong Persa na kinasangkutan ng isyu ng soberanya ng Kuwait at ang mga takot ng Saudi Arabia sa agresyon ng Iraq laban sa kanilang imbakan ng langis malapit sa Kuwait. Nagdulot ito sa pagsasagawa ng Operation Desert Shield na may internasyunal na koalisyon ng mga puwersang militar na magtipon sa hangganan ng Kuwait at Saudi kasama ang mga hiling sa Iraq na mapayapang umalis sa Kuwait. Sa taon din na ito, napalaya si Nelson Mandela sa pagkakabilanggo, at nagbitiw si Margaret Thatcher bilang Punong Ministro ng Reino Unido pagkatapos ng higit sa 11 taon.
Mahalagang taon ang 1990 sa maagang kasaysayan ng Internet. Noong taglagas ng 1990, nilikha ni Tim Berners-Lee ang unang web server at ang pundasyon para sa World Wide Web. Nagsimula ang mga operasyon sa pagsubok noong mga Disyembre 20 at inilabas sa labas ng CERN noong sumunod na taon.[2] Sa 1990 din nangyari ang pagdedekomisyon ng ARPANET, isang tagapagpauna ng sistema ng Internet at ang introduksyon ng unang nilalamang web search engine, ang Archie, noong Setyembre 10.[3]
Noong Setyembre 14, 1990, naganap ang unang kaso ng matagumpay na somatikong terapewtika hene sa isang pasyente.[4]
Dahil sa maagang resesyon noong dekada 1990 na nagsimula ng taon na ito at walang katiyakan dahil sa pagguho ng mga sosyalistang pamahalaan sa Silangang Europa, natigil o matarik na bumaba ang antas ng pagsilang sa maraming bansa noong 1990. Sa karamihan sa kanluraning bansa, naabot ang rurok ng Echo Boom noong 1990; humina ang antas ng pertilidad pagkatapos nito.[5]
Nakapagbenta ang Encyclopædia Britannica, na hindi na nagiimprenta noong in 2012, sa taon na ito ng pinakamataas sa lahat ng panahon noong 1990; 120,000 bolyum ang nabenta ng taon na iyon.[6]
Pebrero 11 – Pinakawalan si Nelson Mandela mula sa Piitan ng Victor Verster, malapit sa Cape Town, Timog Aprika, pagkatapos ng 27 taon ng pagkakakulong.
Pebrero 15 – Pinanumbalik ng Reino Unido at Arhentina ang diplomatikong ugnayan pagkatapos ng 8 taon. Pinutol ng Reino Unido ang ugnayan bilang tugon sa pagsakop ng Arhentina sa Kapuluang Falkland, isang Britanikong Dumidependeng Teritoryo, noong 1982.[8]
Hunyo 8 – Nagsimula ang Pandaigdigang Kopa ng FIFA ng 1990 sa Italya. Ito ang unang pagsasahimpapawid ng dihital na HDTV sa kasaysayan; Hindi magsisimula ang Europa na magsahimpapawid ng HDTV ng malawakan hanggang noong 2004.[15]
Hulyo 1 – Muling pagsasanib ng Alemanya: Nagsanib ang Silangang Alemanya at Kanlurang Alemanya ng kanilang mga ekonomiya, ang Kanlurang Aleman na Deutsche Mark ay naging opisyal na pananalapi din ng Silangan. Natapos din ang paggana ng Panloob na Hangganang Aleman (itinayo noong 1945).
Oktubre – Nagsimula si Tim Berners-Lee ng kanyang pagsasagawa ng World Wide Web, 19 na buwan pagkatapos ng kanyang matagumpay na balangkas noong 1989 na magiging konsepto ng Web.[20]
Nobyembre 9 – Isang bagong konstitusyon ang nagkabisa sa Kaharian ng Nepal, na itinatatag ang maramihang partidong demokrasya at monarkiyang pangkonstitusyon; ito ang kasukdulan ng Kilusan ng mga Tao noong 1990.
Roald Dahl, Britanikong nobelista, manunulat ng maikling kuwento, manunula, manunulat ng eksena, at pilotong lumalaban noong panahon ng giyera (ipinanganak 1916)
Nguyễn Văn Tâm, politikong taga-Timog Vietnam, ika-4 na Punong Ministro ng Vietnam (Timog Vietnam) (ipinanganak 1893)