Ang Zoom, Zoom, Superman! ay isang pelikulang Pilipino noong 1973 na isang parodya ng superhero na karakter ng DC Comics na Superman.[1][2][3] Si Ariel Ureta ang gumanap bilang Superman, at ito ang kanyang unang pelikula.[4] Ang Pilipinong direktor na si Joey Gosiengfiao, na kilala sa kanyang mga pelikulang campy, ay dinirehe ang pelikula bilang isa sa kanyang mga naunang pelikula.[5] Sina Elwood Perez at Ishmael Bernal ay kasamang nagdirehe din.[6][7] Mayroon tatlong direktor ang pelikula kasi isa itong trilohiya na nasa iisang pelikula at bawat direktor ay dinirehe ang bawat episodyo.
Nagkaroon ng isyu sa karapatang-ari ang pelikula kahit na ito ay isang parodya,[1] isang gawa na nakaprotekta mula sa paglabag ng karapatang-ari dahil sa prinsipyo ng patas na paggamit.[8][9] Mula 1973 hanngang 1981, ito ang pinakabentang pelikula sa Pilipinas, at tinalo ang ibang mga artistang kilala na mabenta noong panahon na iyon tulad nina Dolphy and Fernando Poe Jr.[10] Naglagpasan ang talang ito ng pelikula noong 1981 na Dear Heart na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.[11]
↑ 1.01.1"Philippine Film Heavy on Action" (sa wikang Ingles). The Beaver County Times. 3 Abril 1974. Nakuha noong 29 Setyembre 2016 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
↑San Diego Jr., Bayani (2010-01-08). "Ariel & company, forever" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2020-10-22 – sa pamamagitan ni/ng pressreader.com.