Yan Fu

Yan Fu
Kapanganakan8 Enero 1854(1854-01-08)
Kamatayan27 Oktobre 1921(1921-10-27) (edad 67)
Guanhang, Fuzhulang, Republic of China
NagtaposRoyal Naval College
Kilalang gawaGong Jin'ou
TituloPresident of Fudan University
Termino1906-1907
SinundanMa Xiangbo 馬相伯
SumunodXia Jing'guan 夏敬觀
PartidoKuomintang

Si Yan Fu (Tsinong pinapayak: 严复; Tsinong tradisyonal: 嚴復; pinyin: Yán Fù; Wade–Giles: Yen² Fu⁴; courtesy name: Ji Dao, 幾道; 8 Enero 1854 — 27 Oktubre 1921) ay isang skolar na Tsino at tagapagsalin sa wikang Tsino na pinakakilala sa kanyang pagpapakilala ng mga ideyang kanluranin sa Tsina kabilang ang mga ideya ni Charles Darwin noong ika-19 na siglo. Siya ay kinikilala sa kanyang mga salin sa wikang Tsino ng Evolution and Ethics ni Thomas Huxley, Wealth of Nations ni Adam Smith, at On Liberty and Herbert Spencer's Study of Sociology ni John Stuart Mill.

Teoriya ng pagsasalin

Isinaad ni yan sa pauna ng kanyang salin sa wikang Tsino ng Evolution and Ethics (天演論) na may tatlong kahirapan sa pagsasalin: katapatan, paghahayag at pagiging elegante" (譯事三難:信達雅). Simula ng pagkakalimbag ng kanyang mga salin, ang pariralang "katapatan, paghahayag, at pagiging elegante" ay itinuturo kay Yan Fu bilang pamantyan ng anumang mabuting salin at naging isang cliché sa mga pangkat na Akademiko na Tsino na nagpalitaw ng maraming mga debate.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.