Ang pahinang ito ay maaaring napaka teknikal para sa panglahatang mambabasa. Paki tumulong sa pagpapainam ng pahina sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagan pang konteksto o diwa at mas mainam na mga pagpapaliwanag ng mga detalyeng teknikal o kumplikado, maging para sa mga paksang likas na teknikal.
Ang mga yamang tao o nakukuhang mga tauhan (Ingles: human resources) ay isang mabilisang lumalawak na katawagang tumutukoy sa pamamahala o pangangasiwa ng "puhunang mga tauhan" o "pondong mga tao," ang mga tao ng isang samahan o organisasyon. Umusod ang larangan mula sa isang tradisyunal na tungkuling pampangangasiwa papunta sa isang mayroong estratehiyang kumikilala sa ugnayan sa pagitan ng may talentong at nakatutok na mga tao at sa tagumpay na pang-organisasyon. Kumukuha ang larangan mula sa mga konseptong pinaunlad sa Sikolohiyang Industriyal/Organisasyonal at Teoriya ng Sistema. Lumabis-kumulang, may dalawang interpretatsyon o pagpapaliwanag ang yamang tao batay sa konteksto. Hinango ang pinagmulan o orihinal na konsepto mula sa ekonomiyang pampolitika at ekonomiya, na nakaugaliang tinatawag na ekonomiya ng paggawa o payak na bilang "paggawa" lamang, isa sa apat na mga sangkap ng produksiyon bagaman ang ganitong pananaw ay nagbabago ayon sa tungkulin ng bago at umiiral na pananaliksik papunta sa mas estratehikong mga pagharap sa mga antas na pambansa.[1] Mas ginagamit ang ganitong paggamit batay sa 'pagpapaunlad ng mga yamang tao', at maaaring lumampas sa mga organisasyon lamang hanggang sa antas ng mga bansa o mga nasyon.[2]. Sa mga korporasyon at mga negosyo, mas tumutukoy ang tradisyonal na paggamit sa mga indibidwal na nasa isang kompanya o ahensiya, at sa bahagi ng organisasyon na namamahala sa pagkuha ng mga tauhan, pagtatanggal ng mga tauhan, pagsasanay ng mga tauhan, at iba pang mga paksang pangtauhan, na karaniwang tinutukoy bilang "pamamahala ng mga yamang tao'. Kapwa tinatalakay sa lathalaing ito ang dalawang mga paglalarawan o pagbibigay-kahulugang ito.
Mga sanggunian
↑Advances in Developing Human Resources, Tomo 6 (#3) Agosto 2004 at Tomo 8, #3, 2006
↑McLean, G. N., National Human Resource Development: A Focused Study in Transitioning Societies in the Developing World. In Advances in Developing Human Resources; 8; 3, 2006.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.