Windows Sidebar

Windows Sidebar
(Mga) DeveloperMicrosoft
Stable release
6.0.6001.18000 / February 4, 2008
Preview release
6.1.6519.1 (Windows 7) / December 20, 2007
Operating systemMicrosoft Windows Vista; 7
TipoWidget engine
LisensiyaMS-EULA
WebsiteWindows Vista: Features Explained: Windows Sidebar and Gadgets

Ang Windows Sidebar ay isang panel para sa mga Desktop Gadgets na matatagpuan sa isang gilid ng desktop sa Windows Vista.

Pagsisiyasat

Mayroong mga maliliit na programa o Gadgets ang Windows Sidebar na ginagamit sa pagpapakita ng impormasyon tulad ng oras, mga gadget na nangangailangan ng Internet tulad ng RSS feeds, at pagkokontrol sa mga panlabas na programa tulad ng Windows Media Player. Maaari ring tumakbo ang mga Desktop Gadgets sa desktop, hiwalay sa Windows Sidebar.

Labing-isang gadgets ang matatagpuan sa Windows Vista: kalendaryo, orasan, mga kontak, sukat ng CPU, pagpapalit ng pera, pangunahing balita sa RSS, slide show, mga stocks at panahon. Sa mga ito, ang orasan, slide show, at mga pangunahing balita sa RSS ay makikita sa bagong instalasyon ng Windows Vista. Nagbibigay ng lingk patungo sa isang websayt ang Microsoft na tinatawag na Windows Live Gallery kung saan maaaring makakuha ng ilan pang mga gadget para sa Sidebar.

Madaling matukoy ng ilang mga kritiko at mga tagahanga ng Macintosh ang pagkakawangis ng Sidebar sa anyo at gawain ng Dashboard ng Apple at ang Yahoo! Widget Engine (dati’y Konfabulator). Bagaman may kaunting mga pagkakawangis ito sa anyo at gawain, naroroon ang Sidebar sa halos buong panahong paglilinang sa Windows Vista (kilala sa panahong iyon bilang “Longhorn”). Ginawa ang unang build kung saan makikita ang panel na ito noong Setyembre 2002, bago ang pamamahagi ng Konfabulator o Dashboard.

Nagmula ang Sidebar sa proyekto ng Microsoft Research na tinatawag na Sideshow, na pinaunlad noong tag-init ng taong 2000, at ginamit sa loob ng Microsoft. Marami itong pagkakawangis sa kasalukuyang software na desktop gadgets, kasama na rin ang orasan, balita sa trapiko at integrasyon ng IM.

Orihinal na binalak na papalitan ng Sidebar ang lugar ng notipikasyon o ang bar ng Quick Launch sa Windows, ngunit tinanggal ang planong ito matapos ang “pagsasaayos” ng Longhorn noong 2004.

Kawing Panlabas