manunulat, politiko, arkitekto, nobelista, kolektor ng sining
Anak
Susan Euphemia Beckford, Margaret Beckford
Magulang
William Beckford
Maria Hamilton
Pamilya
Elizabeth Hervey
Si William Thomas Beckford (1 Oktubre 1760 – 2 Mayo 1844), kadalasang kilala bilang William Beckford, ay isang Ingles na nobelista, manunuri ng sining, manunulat ng paglalakbay, at politiko. Dati siyang Kasapi ng Parlamento para sa Wells mula 1784 hanggang 1790[1], para sa Hindon mula 1790 hanggang 1795 at 1806 hanggang 1820.[2] Naaalala siya bilang ang awtor ng Gotikong nobelang Vathek at tagapagtayo ng Monasteryo ng Fonthill.
Talambuhay
Ipinanganak si Beckford sa Fonthill, Wiltshire, Inglatera. Anak na lalaki siya ng isang tanyag na Panginoong Alkalde. Noong una, tumanggap siya ng edukasyon mula sa isang pribadong tagapagturo, at pagkaraan sa Hinebra, Switserland. Sa pagsapit sa tamang edad, napagmanahan siya ng isang milyong isterling at nagkaroon ng taunang suweldong L100,000. Pagkaraan nito, napangasawa niya si Lady o Kagalang-galang na BinibiningMargaret Gordon, na anak na babae ng Erl ng Aboyne.[3]
Si Beckford ay isa ring manlalakbay at tagahanga at tagapangulekta ng mga larawan at mga aklat. Kilala rin siya sa pagtatago ng sarili sa loob ng dalawampung taon sa tirahang itinayo niya sa Fonthill, Inglatera. Namatay siya noong 1844.[3]
Bilang manunulat
Naisulat ni Beckford ang Vathek noong 1781 o 1782 sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi, sa loob ng isang upuan lamang. Noong 1787 lumitaw at nalathala ang Vathek sa orihinal na wikang Pranses. Noong 1784, naunang lumitaw ang bersyong Ingles nito na hindi nagpapakilala ang umakda.[3]
โ 3.03.13.2Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "William Beckford". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 244.