Ang Rumano (română, limba română) o Daco-Rumano ay isang wikang Romanse na ginagamit ng halos 24 hanggang 28 milyong katao, karamihan sa mga bansang Rumanya at Moldova. Opisyal na wika ang Rumano sa Rumanya, Moldova, ang Nagsasariling Rehiyon ng Vojvodina sa Serbya at sa nagsasariling pamayanan ng Bundok Athos sa Gresya. Sa Moldova, ang pangalan ng wika ay limba moldovenească (Moldabo) dahil sa politika.
Mga sanggunian