Ang Violet Evergarden (Hapones: ヴァイオレット・エヴァーガーデン,Hepburn: Vaioretto Evāgāden) ay isang nobelang magaan na isinulat ni Kana Akatsuki at inilarawan ni Akiko Takase. Nanalo ito ng grand prize sa novel category noong 2014 sa ikalimang Kyoto Animation Award, ang pinakaunang nobela na nanalo sa tatlong kategorya (nobela, scenario, at manga). Ang Kyoto Animation ay ipinublish ang unang nobelang magaan sa Disyembro 25, 2015.
Isang 13-episode anime serye na adaptasyon ng Kyoto Animation ay ipinalabas sa Enero hanggang Abril 2018 na may maraming advance screening sa 2017. Ang serye ay iginawad na Best Animation sa 2019 Crunchyroll Anime Awards. Isang original video animation na episode ay ipinalabas sa Hulyo 2018, at isang spin-off ay ipinalabas sa Hapon noong Setyembre 2019. Ang ikalawang anime, Violet Evergarden: The Movie ay ipinalabas sa Setyembre 18, 2020.
Banghay
Ang istorya ay tungkol sa mga Auto Memory Dolls (Hapones: 自動手記人形,Hepburn: Jidō Shuki Ningyō), mga tao na unang pinagtatrabaho ng isang siyentista na nagngangalang Dr. Orland upang tulungan ang bulag niyang asawang si Mollie sa pagsulat ng kanyang mga nobela. Sa kasalukuyang panahon, ito ay tumutukoy sa industriya ng pagsusulat para sa ibang tao. Sinusunod ang paglalakbay ni Violet Evergarden upang muling pagbabalik sa lipunan pagkatapos ng pagkagamit niya sa giyera bilang isang sandata lamang. Hinahanap niya ang layunin ng kanyang buhay ngayon na hindi na siya sundalo upang unawain ang mga huling salita sa kanyang tagapayo at tagapag-alaga, si Major Gilbert, "Mahal kita."
Si Violet ay baguhan sa CH Postal Company, at nagtatrabaho bilang isang Auto Memory Doll—isang tao na sumusulat para sa iba na hindi marunong sumulat o naghahanap ng tulong upang maipahayag ang kanilang damdamin sa liham.
Isang major sa hukbo ng Leidenschaftlich, si Gilbert ay galing sa isang maharlika na pamilya. Kahit na higit na pinahahalagahan niya si Violet kaysa sa anupaman, hindi niya kailanman ipinahayag sa kanya ang kanyang damdamin dahil sa kanilang pagkakakilanlan bilang mga sundalo. Ang huling salita niya kay Violet—"Mahal kita"—ay nagbigay ng lakas upang magpatuloy sa paging Auto Memory Doll. Ang nagiisang alaala ni Gilbert kay Violet ay isang esmeraldang brotse na nagpapaalala sa kanya ng mga mata ni Gilbert. Dahil gusto niyang mabuhay si Violet bilang isang normal na babae, sa halip ng paging isang kagamitan, sinabi niya kay Claudia na sabihin na nawawala siya sa giyera and inideklarang patay. Gayunman, gumaling siya mula sa mga pinsala at naniniharan sa isang rural na lugar bago nakipagkita ni Violet malipas ang ilang taon.
Isang dating kumander ng hukbo, si Claudia ay ang presidente ng CH Postal Company. Siya ay mabuting kaibigan ni Gilbert sa oras nila sa hukbo at si Claudia ay sinubukang tumulong kay Violet sa unang hakbang patungo sa kanyang bagong buhay upang mapatawad niya ang kanyang sariling pagkakasala, na nagmula sa pagtrato ni Violet sa hukbo.
Si Cattleya ay isang Auto Memory Doll na nagtatrabaho kasama ni Violet sa CH Postal Company bilang pinakatanyag na Doll. Malapit na siya kay Hodgins bago pa man itinatag ang kompanya, at sumali nito bilang isa sa mga pinakaunang employado.
Si Benedict ay isang tagahatid ng sulat na nagtatrabaho sa CH Postal Company, Bukod ni Cattleya, siya ay may maayos na relasyon ni Hodgins at naging isa sa pinakaunang employado.
Si Erica ay isang Auto Memory Doll na nagtatrabaho sa CH Postal Company. Pagdating sa interaksyon sa mga kliente, hindi siya gaano kagaling, ngunit siya ay naniniwala sa kanyang trabaho bilang isang Doll, iniuugnay niya ito sa inspirasyong nagtagpuan niya sa pagbabasa nag nobela na isinulat ni Molly Orland, isang bulang na nobelista.
Si Iris ay isang Auto Memory Doll na nagsimula ng trabaho sa CH Postal Company pagkatapos tinanggap si Erica. Nagmula sa maliit na magsasakang nayon ng Kazaly, si Iris ay palaging hinanga ang imahe ng isang babaeng nagtatrabaho at mula noon, siya ay naghahangad na maging pinakatanyag na Auto Memory Doll sa Leiden.
"'Di Na Babalik" Modotte Konai (Hapones: 「戻って来ない」)
Haruka Fujita
Reiko Yoshida
18 Enero 2018 (2018-01-18)
3
"Nawa'y Maging Ikaw ay Isang Huwarang Auto Memory Doll" Anata ga Yoki Jido Shuki Ningyō ni Narimasu Yō ni (Hapones: 「あなたが、良き自動手記人形になりますように」)
Noriyuki Kitanohara
Tatsuhiko Urahata
25 Enero 2018 (2018-01-25)
4
"Hindi Ka Magiging Isang Gamit Ngunit Isang Tao na Karapat-dapat sa Pangalan na Iyon" Kimi wa Dōgudenaku, Sono Na ga Niau Hito ni Narunda (Hapones: 君は道具でなく、その名が似合う人になるんだ)
Shinpei Sawa
Reiko Yoshida
1 Pebrero 2018 (2018-02-01)
5
"Sumusulat Ka ng Mga Sulat na Pinagsasama-sama ang Tao?" Hito o Musubu Tegami o Kaku no ka? (Hapones: 人を結ぶ手紙を書くのか?)
Haruka Fujita Shinpei Sawa
Takaaki Suzuki
8 Pebrero 2018 (2018-02-08)
6
"Saan Man, Sa Ilalim ng Langit ng mga Bituin" Doko ka no Hoshizora no Shita de (Hapones: どこかの星空の下で)