Avigno, Belforte, Biumo Inferiore, Biumo Superiore, Bizzozero, Bobbiate, Bosto, Bregazzana, Bustecche, Calcinate degli Orrigoni, Calcinate del Pesce, Campo dei Fiori, Capolago, Cartabbia, Casa Bassa, Casbeno, Cascina Gualtino, Cascina Mentasti, Caverzasio, Fogliaro, Gaggio, Giubiano, Lissago, Masnago, Mirasole, Mustonate, Oronco, Prima Cappella, Rasa di Varese, San Fermo, Sangallo, Santa Maria del Monte, Sant'Ambrogio, Schiranna, Ungheria, Velate
Ito ang kabesera ng Lalawigan ng Varese. Ang kanayunan o exurbanong bahagi ng lungsod ay tinatawag na Varesotto .
Heograpiya
Ang lungsod ng Varese ay nasa paanan ng Sacro Monte di Varese, bahagi ng Kabundukang Campo dei Fiori, na naglalaman ng astronomikong obsebatoryo, pati na rin ang Sentrong Prealpino Heopisiko. Ang nayon na nasa gitna ng bundok ay tinatawag na Santa Maria del Monte dahil sa medyebal na santuwaryo, na naabot sa pamamagitan ng abenida ng mga kapilya ng Sagradong Bundok. Ang Varese ay matatagpuan sa pitong burol: ang Burol ng San Pedrino, ang Burol ng Giubiano, ang Burol ng Campigli, ang Burol ng Sant'Albino, ang Burol ng Biumo Superiore, Colle di Montalbano (Villa Mirabello) at ang Burol ng Miogni. Tinatanaw din ng lungsod ang Lawa ng Varese.
Kasaysayan
Ang bayang ito ay kilala mula pa noong Maagang Gitnang Kapanahunan nang maging opisyal itong munisipalidad.[6] Ang populasyon noong 1848 ay humigit-kumulang 4000.[7]
Transportasyon
Ang network ng impraestruktura ng kalsada at riles na bumubuo sa sistema ng ugnayan ng lungsod ng Varese ay pinapagana ng maraming maliliit na kalye at isang dobleng network ng daambakal at ng 74,000 na mataas na mobilidad. Sa partikular, ang mga pangunahing paggalaw ay papasok sa Varese. Sa karaniwang araw ng trabaho, mahigit 113,000 sasakyan ang pumapasok sa Varese.[8]
Ang Varese ay mayaman sa mga kastilyo, na minsan ay nauugnay sa pamilyang Borromeo. Kabilang sa makasaysayang sentro ng lungsod ang Palasyong Pretoryano at Villa Cagna, isang residensiyal complex na naglalaman din ng Paaralang Sibiko ng Musika ng Varese.
↑The national cyclopaedia of useful knowledge Vol IV. London: Charles Knight. 1848. p. 811.
↑"Archived copy"(PDF). Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 25 December 2014. Nakuha noong 27 November 2014.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)