Ang Unibersidad ng Victoria (Ingles: University of Victoria, 'Vic') ay isang pangunahing unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Victoria, British Columbia, Canada. Ang Unibersidad ng Victoria, na itinatag noong 1963, ay ang pinakamatandang unibersidad sa estado ng British Columbia at nagsimula bilang Kolehiyong Victoria (Victoria College) noong1903, bilang isang sangay ng Pamantasang McGill.[1] Ang Unibersidad ng Victoria ay isang di-pansektang institusyon na nasa naik ng Saanich at Oak Bay sa Greater Victoria. Ang unibersidad ay may humigit-kumulang 22,000 mag-aaral.