Ang Universiti Teknologi Malaysia (kilala rin bilang UTM) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Malaysia at kilala sa mga larangan ng inhinyeriya, agham, at teknolohiya. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa Iskandar Puteri, sa estado ng Johor at ito may isang sangay na kampus sa Kuala Lumpur.
Ang UTM ay isang unibersidad sa higit na nakatuon sa instruksyong gradwado. Higit kalahati ng mag-aaral dito ay nasa antas gradwado, ang pinakamataas na sa Malaysia. Noong 2015, ang UTM ay nakaakit sa higit sa 5,000 internasyonal na mag-aaral mula sa higit sa 100 bansa, ang pinakamataas sa Malaysia.