Ang Unibersidad ng San Carlos de Guatemala (USAC, Ingles: University of San Carlos ng Guatemala; Espanyol: Universidad de San Carlos de Guatemala) ay ang pinakamalaki at pinakamatandang unibersidad sa bansang Guatemala; ito rin ang ika-apat na unibersidad na itinatag sa Kaamerikahan. Itinatag noong panahon ng pananakop ng Espanya, ito ay ang pinakaprestihiyosong institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Gitnang Amerika — at nag-iisang unibersidad sa Guatemala hanggang 1954.
Ang Unibersidad ay nagkaroon ng limang mga pangunahing pagbabago:
Maharlika at Pontifikal na Unibersidad ng San Carlos Borromeo (Ingles - Royal and Pontifical University of San Carlos Borromeo):1676-1829
Academia de Ciencias: 1834-1840
Pontifikal na Unibersidad ng San Carlos Borromeo (Ingles: Pontifical University of San Carlos Borromeo): 1840–1875
Pambansang Unibersidad ng Guatemala (Ingles: National University of Guatemala): 1875–1944