Ang Unibersidad ng Rennes 1 ay isa sa dalawang pangunahing unibersidad sa lungsod ng Rennes, Pransiya. Ang unibersidad ay dalubhasa sa agham, teknolohiya, batas, ekonomiya, pamamahala at pilosopiya. Ang Unibersidad ng Rennes 1 ay umiiral pa mula noong 1969, ngunit ang kasaysayan nito ay nagmula sa Université de Bretagne na itinatag noong 1461. Sa kasalukuyan ay may 26,000 estudyante na nakatala sa unibersidad. [1]