Ang Unibersidad ng Peradeniya (Sinhala: පේරාදෙණිය විශ්ව විද්යාලය, Tamil: பேராதனைப் பல்கலைக்கழகம்) ay isang pampublikong unibersidad Sri Lanka, na pinondohan sa pamamagitan ng University Grants Commission.[2] Ito ay itinatag bilang ang Unibersidad ng Ceylon noong 1942.
Ang Unibersidad ng Peradeniya ay naghohost ng siyam na faculties, dalawang institutong postgradweyt, 10 sentro, 73 kagawaran, at nagbibigay-instruksyon sa 11,000 mag-aaral sa larangan ng Medisina, Agrikultura, Sining, Agham, Enhinyeriya, Dental Sciences, Pagbebeterinaryo at Agham Panghayop, Pamamahala at Agham Pangkalusugan. Sinasabing ito na ang pinakamalaking pamantasang pampubliko sa Sri Lanka, batay sa kanyang malaking bilang ng mga kawani at mga fakultad/kagawaran.
Ranggo
Noong 2016, ang Unibersidad ng Peradeniya ay nairanggo bilang nangunguna para sa kahusayan. Sa Sri Lanka, ang Unibersidad ay niraranggo sa ika-2 puwesto para sa pangkabuuang inebalweyt na ranggo. Ito ay nailahala ng Webometrics noong Setyembre 2016. Noong 2013, ang Unibersidad ng Peradeniya ay niraranggo bilang #1 sa Sri Lanka sa pananaliksik ayon sa ResearchGate. Noong 2010, ayon sa University Ranking by Academic Performance (URAP), ang Unibersidad ng Peradeniya ay may ranggong ika-1426 sa mundo. Ito ay ang tanging unibersidad ng Sri Lanka na may ranggo sa URAP.
Galeriya
-
Isang tulay sa loob ng unibersidad.
-
Ang kagandahan ng unibersidad sa tagsibol, ang gusali ng Senado.
-
Sarachchandra open-air theatre ng Unibersidad ng Peradeniya, kilala bilang makasaysayang teatro at nag-iisa sa Sri Lanka. Ito ay binuo ayon sa ang estilo ng arkitektura ng mga sinaunang teatrong Griyego at ipinangalan kay Ediriweera Sarachchandra, isa sa pangunahing mandudula ng Sri Lanka.
-
Isang tradisyonal na rebulto ng leon sa harap ng gusali ng senado ng unibersidad
-
Gymnasium
-
Gal Bangalawa ng Unibersidad ng Peradeniya.
Mga sanggunian
7°18′N 80°36′E / 7.3°N 80.6°E / 7.3; 80.6