Ang Unibersidad ng Otago (Maori: Te Whare Wānanga o Otāgo, Ingles: University of Otago) ay isang unibersidad na matatagpuan sa lungsod ng Dunedin, sa rehiyon ng Otago, New Zealand. Ito ay nagtataglay ng mataas na marka para sa kalidad ng pananaliksik, at noong 2006 ay pumangalawa sa New Zealand pagkatapos ng Unibersidad ng Auckland sa bilang ng mga A-rated na mga akademikong mananaliksik na empleado nito.[1] Ang unibersidad ay nagtataglay ng mataas na ranggo sa New Zealand national league table; sa nakalipas ito ay nanguna sa New Zealand Performance Based Research Fund evaluation.[2]