Ang Unibersidad ng Nebraska–Lincoln, madalas na tinutukoy bilang Nebraska, UNL o NU, ay isang Amerikanong pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Lincoln, estado ng Nebraska, Estados Unidos.[1] Ito ay ang pinakamatandang pamantasang pampamahalaan at ang pinakamalaki sa Unibersidad ng Nebraska Sistema.
Ang lehislatura ng estado ay naggawad ng tsarter sa unibersidad noong 1869 bilang isang land-grant university sa ilalim ng 1862 Morrill Act, dalawang taon pagkatapos na maisali ang Nebraska sa Estados Unidos. Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, nagsimulang palawakin ng unibersidad ang makabuluhang pagrekrut ng mga propesor upang magturo sa mga bagong tatag na mga propesyonal na mga kolehiyo habang gumagawa rin ng mga makabagong pananaliksik sa agham na pang-agrikultura. Ang "metodong Nebraska" sa pag-aaral ekolohikal ay binuo sa mga panahong ito at naglatag ng pundasyon para sa pananaliksik sa ekolohiyang teoretikal para sa natitirang bahagi ng ika-20 siglo.[2][3] Ang pamantasan ay organisado sa walong kolehiyo sa dalawang campus sa Lincoln na may higit sa 100 mga gusali para sa instruksyon at reserch.[4]
Mga fakultad at paaralan
Ang unibersidad ngayon ay may siyam na mga fakultad na nag-aalok ng higit sa 150 mga undergradwadong meyjor, 20 pre-propesyonal na mga programa, 100 gradwadong mga programa at mga 275 mga programa ng pag-aaral.[5]
Kolehiyo ng Agham Pang-Agrikultura at Likas-Yaman
Kolehiyo ng Arkitektura
Kolehiyo ng Sining at Agham
Kolehiyo ng Pangangasiwang Pangnegosyo
Kolehiyo ng Edukasyon at Agham Pantao
Kolehiyo ng Inhinyeriya
Hixson-Lied Kolehiyo ng Pino at Performatibong Sining
↑Vandervoort, Frances (1999). "A Green Centennial". The American Biology Teacher. 61 (9). University of California: 648–659. doi:10.2307/4450796. JSTOR4450796.